^

PSN Palaro

Smart Gilas 'di na itutuloy ang tune-up games sa China, Korea

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi na itutuloy ng Gilas national team ang naunang plano na magsagawa ng tune-up games sa China o South Korea.

Ayon kay team mana­ger Frankie Lim, mas mina­buti ng koponang hawak ni Serbian coach Rajko To­roman na sa bansa na lamang gugulin ang paghahanda para sa paglahok sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

“We will confine the trai­ning here and we will try to look for teams for possible tune-ups,” wika ni Lim.

Mas mabuti na huwag na lamang umalis ng bansa dahil na rin sa katotohanang malaki ang posibilidad na hindi rin nila maisasama ang mga kinuhang manlalaro sa PBA na sina Paul Asi Taulava, Solomon Mercado at Kelly Williams dahil sa nagsimula na ang laro sa Philippine Cup.

Malakas ang koponang ito pagtitiyak ni Lim dahil de-kalidad sina Taulava, Williams at Mercado.

Mas mabangis ang Pam­bansang koponan kung maisasama pa si Mar­cus Douthit na ang na­turalization papers ay naka­salang na sa Senado.

Dalawang beses sa isang araw kung magsa­nay na ang koponan at sa huling pagsasanay ay may 17 manlalaro ang sumipot sa practice sa The Arena sa San Juan.

Sasagupain muna ng koponan ang Saudi Arabia sa isang knockout game upang malaman kung sino sa kanila ang aabante sa tournament proper.

Kailangang sumalang sa knockout game ang Pi­lipinas dahil nawalan ito ng ranking matapos ma­suspindi ng FIBA dala ng problema sa liderato noong 2005.

Magkakaroon naman ng pagkakataon ang Gilas na makilatis ang Saudi Arabian team dahil balak ng koponan na bumisita muna sa bansa at magsagawa ng ilang tune-up games bago tumulak sa Guangzhou, China.

ASIAN GAMES

FRANKIE LIM

GUANGZHOU

KELLY WILLIAMS

PAUL ASI TAULAVA

PHILIPPINE CUP

RAJKO TO

SAN JUAN

SAUDI ARABIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with