^

PSN Palaro

4th win pakay ng Wangs, Star Group reresbak vs Air Force

-

MANILA, Philippines - Tatangkain ng defen­ding champion Wang’s Ball­club na makamit ang ikaapat na panalo sa limang laro sa gagawing pakikipag­tuos laban sa Lyceum of the Philippines sa tampok na laro sa MBL Invitational (Second Conference) basketball championship sa Ly­ceum gym sa Intramuros ngayong gabi.

Magsisimula ang laro sa alas-8:30 ng gabi, na kung saan bahagyang pi­na­paboran na magwagi ang Wang’s Ballclub (3-1) ni businessman-sportsman Alex Wang laban sa Lyceum (2-1) sa inaasahang­ magiging kapana-panabik na laro sa nine-team tournament na itinataguyod ng Smart Communicaitons, Dickies Underwear at PRC Managerial Sercices.

Bago ang naturang la­ro ng Wang’s at Lyceum, magtutuos naman ang Star Group of Publications (2-2) at Philippien Air Force (0-4) sa alas- 7 ng gabi.

Ang Star Group nina ma­nager Mike Maneze at coach Rene Recto ay ina­a­sahang magpapasiklab ng husto laban sa Air Force, na hindi pa nakatitikim na panalo matapos ang apat na laro.

Bagamat galing sa talo sa kamay ng Lyceum, 94-99, noong Oktubre 5, ang Starmen ay babawi ng hus­to sa pamamagitan nina Dennis Rodriguez,Jong Bondoc, Lester Reyes, Gio Coguilla, Bong Martinez, Ver Roque at Gerald Ortega para isulong ang ka­nilang kartada.

Ang Air Force, na ginigiyaan ni playing coach Alvin Zuniga, ay aasa ng isang higanteng upset sa tulong nina Vin Idanan at iba pang mga beteranong players.

Samantala, sumandal ang Hobe Bihon sa isang balanseng atake upang gupuin ang Rizal Technological University, 112-83, nung Sabado ng gabi para sa ikatlong dikit na panalo.

Sa isa pang laro, nagwagi naman ang Royale Business Club laban sa EJM Pawnshop, 84-80.

vuukle comment

AIR FORCE

ALEX WANG

ALVIN ZUNIGA

ANG AIR FORCE

ANG STAR GROUP

BONG MARTINEZ

DENNIS RODRIGUEZ

DICKIES UNDERWEAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with