^

PSN Palaro

Antonio kampeon sa pace chessfest

-

TUGUEGARAO, Cagayan, Philippines --Pinatu­nayan ni GM Rogelio Antonio Jr., ang kan­yang pagiging top rapid player ng bansa matapos na dominahin ang first PACE-Tuguegarao Open Chess Festival na idinaos sa Paseo Reale Mall dito nitong Linggo ng gabi.

Tumapos si Antonio, isinusulong ang kanyang final na hakbang upang makasama sa Philippine team sa Asian Games sa Guangzhou, China sa susunod na bu­wan, ang nine-round event sa kanyang inilistang walong puntos, pito mula sa panalo at 2 draws upang masikwat ang kanyang kauna-unahang major title sa local na torneo.

Ang multi-awarded campaigner mula sa Calapan, Oriental Mindoro, na uma­asang mababawi ang puwestong inilaan sa kanya ng koponan matapos na pata­wan ng suspension ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), tumabla kay top seed GM Wesley So na may 8 puntos rin, ngunit nakuha niya ang korona sa bisa ng mataas na tiebreak score.

Sina So at Antonio, na nag-draw sa kanilang laban sa sixth round, ay nagbulsa ng P17,500 para sa pinagsamang first at second cash prizes sa dalawang araw na festival na inorganisa ng Philippine Academy for Chess Excellence (PACE) sa kooperasyon ng Compuserve Land Sur­veying Company at ng Cagayan at Tu­guegarao provincial at city governments.

Pinayuko ni Antonio si NM Rolando Nolte, habang nalusutan naman ni So si IM Oliver Dimakiling sa ninth at final round ng torneo.

Inupuan ng nagbabalik na si   IM Oliver Barbosa ang solo third place matapos na sibakin si NM Ronald Llavanes, 7.5 at nagbulsa ng P10,000.

ASIAN GAMES

CHESS EXCELLENCE

COMPUSERVE LAND SUR

NATIONAL CHESS FEDERATION OF THE PHILIPPINES

OLIVER BARBOSA

OLIVER DIMAKILING

ORIENTAL MINDORO

PASEO REALE MALL

PHILIPPINE ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with