^

PSN Palaro

Championship experience, alas ni Agustin vs Bedans

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Sasandalan ni Renato Agustin ang taglay na championship experience upang mapanatiling hawak ang titulo sa NCAA.

Bubuksan bukas ang 86th NCAA men’s basketball Finals sa pagitan ng San Sebastian at San Beda sa Ara­neta Coliseum at dehado ang nagdedepensang kampeon sa katunggaling winalis ang 16 na laro sa eliminasyon.

Dahil sa sweep, kailangan ng Stags na talunin ng tat­long beses ang Lions upang mapagtagumpayan ang ha­ngaring title defense sa korona.

Mabigat man ang hamon ay tiwala naman si Agustin na kaya ng kanyang bataan na magawa ito.

“Ang tanging paraan para manalo kami ay ipakita ng aking mga players ang kanilang puso at championship experience,” wika ni Agustin.

Hindi nakaporma ang Stags sa dalawang pagtutuos nila ng Lions ngunit iba ang Finals at umaasa siya na may kabog pa sa dibdib ang mga kamador ng Lions.

“Malalim din ang bench nila at malalaki sila. Kaya ka­ilangang maging handa ang mga beterano ko sa la­banang ito,” dagdag pa ni Agustin.

Isa sa aasahan ng batikang mentor na nasa huling taon sa Stags dahil siya na ang hahawak ng San Miguel Beer sa PBA matapos ang NCAA season, ay si Calvin Abueva.

Ang 6’4 forward ay isa sa palaban para sa Most Va­luable Player award sa ibinibigay nitong 16.3 puntos, 12.6 rebounds, 1.6 assists, 1 steal at 1 block.

Ang intensidad na ipinakikita ni Abueva ang siyang nais na makita uli ni Agustin upang mahawa ang ibang kasamahan tulad nina John Raymundo, Ian Sangalang at Ronald Pascual na sinasabing handa na para sa Finals.

Si Raymundo ay nasa kanyang huling taon ng paglalaro sa Stags at tiyak na nais niyang mapagkampeon pa ang koponan sa taong ito.

Naipakita niya ang kahandaan na mapangunahan ang San Sebastian nang ibagsak ang 10 sa kabuuang 14 puntos sa laro upang itulak ang koponan sa 61-52 panalo laban sa Jose Rizal University sa huling step lad­der semifinals.

vuukle comment

AGUSTIN

CALVIN ABUEVA

IAN SANGALANG

JOHN RAYMUNDO

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MOST VA

RENATO AGUSTIN

RONALD PASCUAL

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with