Peñalosa nanalo sa kanyang 'farewell fight'

MANILA, Philippines - Pinabagsak ni Gerry “Fearless” Peñalosa sa fourth round ang bagitong si Yodsaenkeng Kietmangmee ng Thailand mula sa isang body punch kahapon sa Zamboanga City Coliseum.

Matapos ang naturang panalo, nakatanggap si Peñalosa ng tawag mula kay Oscar Dela Hoya ng Golden Boy Promotions para sa isang itatakdang laban sa Disyembre sa Staples Center sa Los Angeles, USA.

Dalawa sa posibleng makasagupa ng dating world super flyweight at bantamweight champion ay sina Abner Mares ng Mexico at Eric Morel ng Puerto Rico.

Itinaas ni Peñalosa sa 55-8-2 ang kanyang win-loss-draw ring record kasama ang 37 KOs.

Show comments