Wang's, MLQU umiskor sa MBL

MANILA, Philippines - Umiskor ang nagdedepensang Wang’s Ballclub at Manuel Luis Quezon University ng magkahiwalay na panalo sa 2010 MBL Invitational (Second Conference) basketball tournament sa RTU gym sa Boni Avenue Mandaluyong City.

Tinalo ng Wang's ang Rizal Technological University, 104-95, habang binigo ng MLQU ang Philippine Air Force, 110-78, para sa magkatulad nilang 3-1 rekord.

Nagtala si American missionary Joshua Manthe, isang 6-foot-8 center na naglaro sa Kansas University sa US NCAA, ng 21 points, 14 rebounds at 3 blocks para sa Wang’s, nagmula sa 79-81 kabiguan sa Hobe Bihon noong Martes.

Show comments