MANILA, Philippines - Ang 29th Philippine Columbian Association (PCA) Open, ang pinakaprestihiyosong tennis tournament sa bansa, ay gaganapin mula Nobyembre 6 hanggang Disyembre 12.
Sa ikatlong sunod na taon, ang PCA Open ay ihahandog ng Cebuana Lhuillier.
Ang mga events na kabilang dito ay ang men’s at ladies’ singles at doubles events, ang men’s at ladies inter-club events, ang boys at girls inter-college events, at ang juniors events.
Idaragdag sa taong ito ang Executive Amateur Team Tennis event na bukas sa lahat ng recreational players na kailanma’y hindi naglaro bilang professionals o naging ranked player.
Gagamitin dito ang age classification format. Iniimbitahan ng PCA ang lahat ng tennis clubs na lumahok sa event na ito.
Ang PCA Open ay isasaere sa NBN 4 sa tatlong yugto.
Ang Opening Ceremonies, juniors, at amateur team tennis events ay ipalalabas sa Disyembre 5.
Ang mga laban sa main team tennis competition, kasama na rin ang mga unang rounds ng men’s at ladies singles at doubles ay ipalalabas sa Disyembre 19, samantalang ang men’s at ladies singles final ay ihahatid sa Disyembre 26.
Lahat ng laro ay magsisimula sa ganap na alas-2 ng hapon
Gaya ng nakaraang mga torneo, ang Dunlop ang siyang official ball ng PCA Open.