MANILA, Philippines - Pinigilan ng Our Lady of Fatima University ang tangkang pagbangon ng Centro Escolar University upang itakas ang 76-73 panalo at kumpletuhin ang two-game sweep ng kanilang best-of-three showdown para sa NAASCU junior basketball crown sa Makati Coliseum kamakalawa.
Nagsanib ng lakas sina Al Perea, Dhan Alberto at Harley Diego para balikatin ang Young Phoenix, na diniskaril ang huling tangka ng Baby Scorpions na nagselyo ng kanilang panalo para sa korona sa 10-team tournament na ito na inorganisa ni NAASCU sa pangunguna ng presidente na si Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.
Tumapos sina Perea at Alberto ng tig-12-puntos, habang nagsumite naman si Diego ng 10 puntos para sa Valenzuela City-based squad.
Binanderahan naman ni Mark Jervin ang Baby Scorpions sa kanyang kinamadang 22 puntos, habang nagdagdag si Paolo Panchito ng 15 puntos.
Nasikwat naman ng St. Clare College-Caloocan ang third place makaraang hiyain ang nakaraang taong kampeon na University of Manila, 68-59.
Umasinta si Mating Gil ng 22 puntos at nagdagdag si Kenneth Macapulay ng 15 puntos para sa Baby Saints.
Nanguna sa opensa ng Hawklets si Pedito Galanza na tumipa ng 15 puntos.
Si Dr. Adalem ang siyang nagbigay ng tropeo sa mga nanalo katulong si NAASCU senior adviser Atty. Ernesto delos Reyes at commissioner Igmidio ‘Boy’ Cahanding.
St. Clare 68--Gil 22, K.Macapulay 15, Barte 7, De Leon 7, Mercado 5, De Mesa 4, Federez 4, Libunao 2, Paguirigan 2.
UM 59-- Galanza 15, Baylen 9, Castro 8, Eneria 8, Santos 6, Alfonso 5, Serrano 4, Nicolas 4, Cipriano 0, DeGuzman 0.
Quarterscores: 22-13,32-34,48-51,68-59.
Fatima 76--Perea 12, Alberto 12, Diego 10, Teodoro 9, Pineda 8, Khan 7, Del Rosario 6, Flores 6, Juanico 6, Balabbo 0, Cruz 0.
CEU 73--Parale 22, Panchito 15, Delfinado 6, Mejos 6, Anain 6, Rublico 5, De Ocampo 2, Navarro 2, Pillas 2, Villamayor 0.
Quarterscores :19-13, 41-35, 54-55, 76-73.