^

PSN Palaro

Brunei Hiniya ng RP Patriots

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tamang hugot kay Allein Maliksi ang ginawa ni coach Louie Alas nang kumana ito ng mahahala­gang puntos sa huling yug­to upang igiya ang Philippine Patriots sa 71-62 tagumpay sa Brunei Barracudas sa ginanap na ASEAN Basketball League (ABL) Season II kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Limang minuto lamang ipinasok si Maliksi sa laba­nan pero kuminang ito ma­tapos magpakawala ng lahat ng limang puntos sa dalawang transition play upang makahulagpos ang Patriots sa pagbangong ginawa ng Barracudas.

Lumamang ng pinakamalaking 12 puntos ang Patriots sa ikatlong yugto, 43-31, pero nakadikit sa isa ang bisitang koponan, 60-59, sa pinakawalang tres ni Chris Garnet may 5:33 sa orasan.

Nalagay din sa alanga­nin ang kampanya ng nagde­depensang kampeon nang kailanganing ilabas si Anthony Johnson nang masaktan ang kaliwang shin nito matapos tumama sa upuan sa paghahabol sa bola.

Pero naisantabi ito ng Patriots dahil gumana rin ang 6’10 na si Donald Little na siyang namuno sa matibay na depensa ng Patriots na nagresulta upang magkaroon na lamang ng tatlong puntos ang Barracudas.

“Si Maliksi ang huling player na ginamit ko at krusyal ang mga ibinigay niyang limang puntos,” wika ni Alas.

 May 24 puntos, 12 rebounds, 3 assists at 1 steals si Johnson habang 11 puntos, 8 rebounds, 1 assist at 2 blocks ang naiambag naman ni Little.

Si Garnet ay mayroong 23 pntos at 9 rebounds habang sina Chris Commons, Bryan Faundo at Kevin White ay naghatid pa ng 15, 11 at 10 puntos.

ALLEIN MALIKSI

ANTHONY JOHNSON

BASKETBALL LEAGUE

BRUNEI BARRACUDAS

BRYAN FAUNDO

CHRIS COMMONS

CHRIS GARNET

DONALD LITTLE

KEVIN WHITE

PUNTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with