^

PSN Palaro

Kings Nakuryente Sa Bolts

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat unang panalo lamang niya bilang bagong head coach para sa pagbabalik ng isang dating ko­ponan, maituturing na ito ni Ryan Gregorio bilang malaking tagumpay.

“I told them early it was pretty much my first game eight years ago. I just asked them to focus on every stop and focus on every possession,” sabi ni Gregorio matapos ang dramatikong 73-72 panalo ng Meralco sa Barangay Ginebra sa pagbubukas ng 2010-2011 PBA Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Nagtabla ang Bolts at ang Gin Kings sa pagtatapos ng third period, 56-56, bago kinuha ng Ginebra ang 70-65 abante sa 4:36 ng fourth quarter mula sa jumper ni Jayjay Helterbrand kasunod ang ratsada nina Mac Cardona, Asi Tau­lava, Gabby Espinas at Bitoy Omolon para sa 71-70 lamang ng Meralco.

Huling natikman ng Gin Kings ang unahan sa 72-71 buhat sa basket ni Willie Miller hanggang isalpak ni Cardona ang isang looping shot para sa 73-72 bentahe ng Bolts sa huling 32.1 segundo.

Humakot si Omolon ng 14 points, 14 rebounds at 2 assists para pamunuan ang Meralco kasunod ang 12 points ni Cardona, habang umiskor ng tig-11 sina JC Intal at Ronald Tubid para sa Ginebra sa itaas ng tig-10 nina Miller, Mark Caguioa at Rudy Hatfield.

Sa format, ang Group A ay binubuo ng nagde­depensang Derby Ace, San Miguel, Rain or Shine, Powerade at Barako Bull, habang nasa Group B naman ang Ginebra, Meralco, Alaska, Talk ‘N Text at Air21 na lalabanan ang kanilang mga kagrupo ng isang beses at dalawa naman sa kabilang grupo.

Ang top eight teams ang papasok sa quarterfi­nal round, samantalang masisibak naman ang No. 9 at No. 10 squad.

Sa quarterfinals, magtatapat ang No. 1 vs No. 8 at ang No. 2 vs No. 7 kung saan hahawak ng ‘twice-to-beat’ incentive ang No. 1 at No. 2 teams at maglalaban naman sa isang best-of-three series ang No. 3 kontra No. 6 at No. 4 laban sa No. 5 patungo sa best-of-seven semifinals series.

Samantala sa opening ceremonies, binigyan naman ng plaque of recognition sina dating PBA Commissioner Sonny Barrios at Buddy Encarnado ng Sta. Lucia, ang prangkisa ay binili ng Meralco.

Inihayag rin ni PBA Commissioner Chito Salud ang kanyang plano ngayong 36th season.

Meralco 73 - Omolon 14, Cardona 12, Escobal 7, Aljamal 7, Taulava 7, Weinstein 6, Espinas 6, Aquino 6, Ross 4, Belga 4, Daa 0.

Ginebra 72 - Intal 11, Tubid 11, Miller 10, Caguioa 10, Hatfield 10, Cortez 8, Helterbrand 4, Mamaril 4, Menk 2, De Ocampo 2, Villanueva 0.

Quarterscores: 22-18, 35-34, 56-56, 73-72.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ASI TAU

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

BITOY OMOLON

BUDDY ENCARNADO

COMMISSIONER CHITO SALUD

GIN KINGS

GINEBRA

MERALCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with