^

PSN Palaro

3rd win asam ng MLQU, Star Group reresbak

-

MANILA, Philippines - Hangad ng Manuel Luis Quezon University na masikwat ang ikatlong di­kit na panalo, habang pun­tirya naman ng STAR Group of Publications na makabangon mula sa kani­lang unang kabiguan sa da­lawang pares na salpukang nakatakda ngayong gabi sa pagbabalik aksyon ng 2010 MBL Invitational basketball championship na lalaruin sa RTU gym sa Mandaluyong.

Gagabayan ni coach Sherman Crisostomo at ma­nager Maria Victoria Chan, winalis ng Stallions ang dalawang unang laro la­ban sa Lyceum of the Philippines (73-72) at Star Group (80-78) para sa so­long liderato, sasagupain ng MLQU ang nagdedepensang Wang’s Ball Club sa alas-8:30 ng gabi.

Inaasahang muling sa­sandigan ng Stallions ang balikat ni Jopher Custodio upang banderahan ang MLQU sa ikatlong dikit na panalo.

Lalaro ang Wang’s na hindi maasahan ang serbisyo ni Fil-Am Anthony Cuevas na pinatawan ng three-game suspension at P5,000 multa bunga ng hindi kagandahang asal na ipinakita sa kanilang huling laban kjontra sa Air Force.

Sa kabilang dako, papagitna ang tropa nina coach Rene Recto at ma­nager Mike Meneze sa unang laro sa alas-7 ng gabi laban sa RTU.

Bagamat lalaro ang Starmens na kulang sa tao sa dahilang ang kanilang sentro na si Cris Corbin ay nagkaroon ng hamstring injury sa huling laro, inaasahang babalikatin nina Bong Martinez at Lester Reyes ang puwesto ni Corbin sa tulong na rin ng mga kamador na sina Dennis Rodriguez, Ver Ro­que, Jong Bondoc at Gio Coquilla upang ipatikim sa Blue Thunders ang lupit ng kanilang pag­hihiganti para muling maibalik ang kanilang winning form at mapalakas ang kampan­ya sa 2-buwang torneo na may ayuda mula sa Smart Communications, Dickies Underwear at PRC Managerial Service.

Bukod sa mga nabanggit, aasahang kakayod rin sa opensa sina Gerald Ortega, Randel Reducto at Mario Geocada para supilin ang tang­kang magandang debut ng Mandaluyong-based cagers.

vuukle comment

AIR FORCE

BALL CLUB

BLUE THUNDERS

BONG MARTINEZ

CRIS CORBIN

DENNIS RODRIGUEZ

DICKIES UNDERWEAR

FIL-AM ANTHONY CUEVAS

GERALD ORTEGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with