Gomez, Bitoon nagbida sa Olympiad

KHANTY-Mansiysk, Russia – Nagtuwang sina GM John Paul Gomez at IM Richard Bitoon para igiya ang Pilipinas sa 3-1 panalo kontra Uruguay sa fifth round ng 39th World Chess Olympiad dito sa Khanty-Mansiysk Sports Development Center.

Tinalo ni Gomez si FM Manuel Larrea sa 33 moves ng Neo Gruenfeld, habang pinayukod naman ni Bitoon si Alvaro Guerrero sa 43 moves ng Caro-Kann sa naturang 11-round tournament.

Kumuha naman ng draw si GM Wesley So kay GM Andres Villa Rodriguez sa 52 moves ngTrompovs­ky, samantalang nakipag­hati naman sa puntos si GM Eugene Torre kay IM Bernardo Roselli sa 26 moves ng Nimzo-Indian.

Nakipagsalo ang mga Filipinos sa 16th hanggang 38th places sa kanilang 7.0 points galing sa kanilang tatlong panalo, isang draw at isang talo sa match point-style scoring system.

Tatlong puntos ang dis­tansya ng RP Team sa defending champion Armenia, Hungary at Georgia, umis­kor ng panalo, sa huling anim na rounds.

Show comments