^

PSN Palaro

Walang tatalo kay Manny Pacquiao pagdating sa pagsasanay --- Roach

- Abac Cordero -

MANILA, Philippines - Napailing na lamang si coach Freddie Roach matapos malaman na buhos ang pag-eensayo ni Mexican Antonio Margarito para sa kanilang laban ni Manny Pacquiao.

“Even if he works hard, nobody works hard like Manny. Nobody,” pagkukumpara ni Roach sa 31-anyos na si Pacquiao sa 32-anyos na si Margarito.

Sa halos 49 araw bago ang banggaan nina Pacquiao at Margarito sa Cowboiys Stadium sa Arlington, Texas, sinabi ni Roach na kailangan nang magseryoso sa lahat ng bagay.

“It’s time to get serious,” wika ni Roach, gustong simulan ang sparring ni Pacquiao bukas sa isang saradong gym sa Cooyeesan Plaza sa Baguio City na kanilang gi­nawang training camp sa laban kay Miguel Cotto noong nakaraang taon.

Ang malamig na klima at bulubunduking lugar ang si­yang magbibigay kay Pacquiao ng kailangan nitong resistensya upang makatagal sa laban nila ni Margarito sa Nobyembre 13.

Bagamat hindi pa 100 percent na kumpleto ang kani­lang battleplan, sinabi ni Roach na alam na ni Pacquiao ang kanyang gagawin sa ibabaw ng boxing ring.

Sinabi pa ni Roach na mababalewala ang pagsasanay ni Margarito kung ito ay matatalo kay Pacquiao, isinugod sa Cardinal Santos Hospital noong Biyernes ng gabi dahil sa sakit na nararamdaman sa kaliwang talampakan.

Hindi pa natatalo si Pacquiao sa loob ng limang taon, at ang magandang ‘work ethic’ ang siyang dahilan nito.

Ang kaduwagan naman ni Margarito ang magiging bentahe ni Pacquiao.

“When he quit against Shane Mosley, his career was over I think. Here’s my philosophy: once you quit, it’s much easier to quit the second time,” ani Roach.

Sina Michael Medina ng Mexico at Glen Tapia ng Do­minican Republic ang magiging sparmates ni Pac­quiao.

“He’s more like the opponent while Glen Tapia is the cocky one. Maybe we can hold him up a bit,” sabi ni Roach.  

vuukle comment

BAGUIO CITY

CARDINAL SANTOS HOSPITAL

COOYEESAN PLAZA

COWBOIYS STADIUM

FREDDIE ROACH

GLEN TAPIA

MARGARITO

PACQUIAO

ROACH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with