Mercado ipinalit ng Smart Gilas kay Yap

MANILA, Philippines - Matapos maihabol ang kanilang final line-up sa Philippine Olympic Committee (POC) para sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre, hinugot naman ng Sa­mahang Basketbol ng Pilipinas si Sol Mercado ng Rain or Shine bilang pi­nakahuling miyembro ng Smart Gilas.

Ang Fil-Puerto Rican guard ang napili ni Serbian coach Rajko Toroman sa hanay nina Dondon Hon­tiveros ng San Miguel, Gabe Norwood ng Rain or Shine at Ren-Ren Ritualo, Jr. ng Powerade bilang kapalit ni James Yap ng Derby Ace.

Si Mercado ang ikatlong PBA player na nahiram ng SBP para sa Smart Gilas matapos sina Asi Taulava ng Meralco at Kelly Williams ng Talk ‘N Text.

Ang 6-foot-8 at 38-an­yos na si Taulava ay nahu­got ng Meralco mula sa Powerade via three-team 6-player trade sangkot sina Jason Misolas at rookie Khazim Mirza ng Bolts, Ken Bono at Rob Reyes ng Barako Bull.

Ibinigay ng Tigers si Taul­ava, kasama si Bono, sa Energy Boosters para kay Reyes at sa 2013 se­cond round pick ng Barako Bull, habang nakuha ng Bolts ang Fil-Tongan kapalit nina Misolas at Mirza sa Barako Bull.

Ang 5’11 namang si Mer­cado ay nagtala ng mga averages na 16.7 points, 4.6 assists, 3.8 rebounds at 1.2 steals sa nakaraang 35th season ng PBA. 

Show comments