^

PSN Palaro

Lady Falcons, Stags magpapatayan

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Isang laro na lamang ang nalalabi para sa season na ito at ang huling la­rong ito ang magdede­termina kung sino sa da­lawang nalalabing koponang naglalaban ang tatanghaling kampeon ng season-ending conference ng Shakey’s V-League Season 7 sa The Arena sa San Juan.

Magsasagupa sa huling pagkakataon ang San Sebastian College-Recoletos at ang Adamson University para pag-agawan ang pinaka-aasam na tropeo sa Game Three ng kanilang best-of-three titular showdown sa ganap na alas-4 ng hapon.

Sa unang dalawang laro, kinapitalisa ng bawat koponan ang kanilang mga lakas. Sumandig ang Adam­son sa kanilang matinding depensa upang malimitahan ang mga key players ng Lady Stags sa Game One habang sinamantala naman ng San Sebastian ang kanilang bentahe sa opensa sa Game Two.

Naunang kinuha ng Lady Falcons ang series opener noong nakaraang Huwebes sa loob ng limang sets 25-13, 25-17, 30-32, 21-25, 15-13 upang umabante sa serye, 1-0.

Ngunit bumangon ang Lady Stags sa Game Two noong Linggo, 24-26, 25-23, 25-22, 25-20 para maipuwersa ang winner-take all game nga­yong araw.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

GAME ONE

GAME THREE

GAME TWO

LADY FALCONS

LADY STAGS

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

V-LEAGUE SEASON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with