MANILA, Philippines - HindiI sumablay sa apat na buslo sa tres si Rodel Ranises sa huling yugto at ang Mapua Cardinals ay sumulong sa Final Four sa pamamagitan ng 64-59 panalo sa St. Benilde sa pagpapatuloy ng 86th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Lahat ng 12 puntos sa laro ay ibinuhos ni Ranises sa huling sampung minuto ng sagupaan upang makahulagpos ang Cardinals matapos maging dikdikan ang tagisan nila ng Blazers sa unang tatlong yugto.
Nagkaroon pa rin ng pagkakataon ang Blazers na makapanakot nang makuha nila ang bola at angat lamang ng lima ang Cardinals, 62-57.
Pero natawagan ng travelling violation si Luis Sinco at ininda rin ng koponan ang kawalan pa sa penalty situation upang maubos ng Cardinals ang oras sa laro.
May 9-6 karta ngayon ang Cardinals at tinapos nila ang paghahabol pa ng Letran na sa 6-8 karta ay hindi na makakaabot pa sa siyam na panalo dahil dalawang laro na lamang ang kanilang susuungin.
Tinapos naman ng Perpetual Help ang 14 na sunod na kabiguan sa pamamagitan ng 69-52 pa-nalo laban sa Emilio Aguinaldo College sa unang sagupaan.
Nakumpleto ng Altas ang mainit na panimula hanggang sa katapusan ng labanan para sungkitin ang unang tagumpay at itulak naman ang Generals sa ika-13 kabiguan kontra sa dalawang panalo.
Mapua 64- Acosta 14, Mangahas 13, Ranises 12, Sarangay 10, Guillermo 10, Cornejo 4, Parala 1, Banal 0, Pascual 0, Ighalo 0.
CSB 59- Lastimosa 16, McCoy 15, Tan 10, Sinco 9, Melocoton 6, Manalac 2, Wong 1, de Guzman 0, Abolucion 0, Amin 0, Argamino 0
Quarterscores: 15-9; 23-23; 42-40; 64-59