^

PSN Palaro

SBP humabol sa deadline, basketball line-up ipinasa na

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Nagpasa na ang Samahang Basketbol ng Pili­pinas (SBP) ng kanilang 12-manlalaro na ipada­dala sa Asian Games sa Guangzhou China.

Pinangalanan ng SBP sina PBA cagers Paul Asi Taulava at Kelly Williams upang makasama sina Mark Barroca, Chris Tiu, Jayvie Casio, Dylan Ababou, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, Mac Baracael, Jason Ballesteros, Marcia Lassiter at Aldrech Ramos.

Ang mga pangalang ito ay mula sa 18 manla­laro na ipinadala ng SBP upang mabigyan ng akredi­tasyon ng POC para sa Guangzhou Games.

“Mayroon kaming accredited na 18 players sa pool at ang 12 pangalan na ito ay mula sa pool at ipadadala na namin sa Guangzhou organizers. Pero puwede pa itong palitan bago ang manager’s meeting,” wika ni Asian Games Chief of Mission Joey Romasanta.

Para makapagpalit ay dapat na may injury ang manlalarong aalisin at dapat na kaakibat nito ay isang medical certificate. Tiyak naman na may pagbabago na magaganap sa line-up dahil inihahabol pa ng SBP si Marcus Douthit na ang proseso para ma-naturalize siya ay gumulong na sa Kongreso nang katigan ito ng House Committee on Justice.

May isa pang PBA players ang nais na makuha ng SBP habang si Fil-Am Chris Lutz ay maaaring ma­isama na rin dahil nakuha na niya ang kanyang Philippine Passport.

Ang Pambansang koponan sa basketball ay inaasahang aalis ng bansa sa Nobyembre 10 habang ang simula ng Asian Games ay gagawin sa Nobyembre 12.

ALDRECH RAMOS

ANG PAMBANSANG

ASIAN GAMES

ASIAN GAMES CHIEF OF MISSION JOEY ROMASANTA

CHRIS TIU

DYLAN ABABOU

FIL-AM CHRIS LUTZ

GREG SLAUGHTER

GUANGZHOU CHINA

GUANGZHOU GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with