^

PSN Palaro

Cuello pipiliting masikwat ang panalo vs Rachman

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Mula sa pagiging konduktor ng jeepney sa kani­lang lugar sa Cabatuan, Iloilo, pipilitin ni Denver “The Excitement” Cuello na makalapit sa pinapanga­rap niyang world boxing crown.

Nakatakdang sagupain ni Cuello si dating world mi­nimumweight champion Muhammad Rachman ng Indonesia sa Sabado sa IIT Gymnasium ng Mindanao State University.

Isasaere ang naturang laban nina Cuello at Rachman sa alas-10 ng umaga sa Linggo sa GMA 7.

“Gagawin ko po talaga ang lahat ng magagawa ko para manalo kasi kapag nanalo ako may chance akong makalaban sa isang world title fight,” sabi ng 23-anyos na si Cuello.

Itataya ni Cuello ang kan­yang suot na World Bo­xing Council (WBC) International mini-flyweight belt laban kay Rachman.

Bitbit ni Cuello ang 21-4-5 win-loss-draw ring record kasama ang 12KOs, samantalang dadalhin naman ni Rachman, dating International Boxing Fede­ration (IBF) minimumweight titlist, ang 62-8-5 (31KOs).

Ang 39-anyos na si Rachman ang inagawan ni Florante Condes ng IBF crown via unanimous decision noong Hulyo 7, 2007 sa Jakarta, Indonesia.

Natalo na rin si Rachman, nakatakdang duma­ting sa bansa kagabi, kay Milan Melindo via unanimous decision sa kanilang 10-round, non-title bout no­ong Marso 14 sa Cebu City.

“Sana ipagdasal ako ng mga kababayan natin na manalo ako para makakuha ako ng title shot sa WBC, WBA at WBO,” hiling ni Cuello.

CEBU CITY

CUELLO

FLORANTE CONDES

INTERNATIONAL BOXING FEDE

MILAN MELINDO

MINDANAO STATE UNIVERSITY

MUHAMMAD RACHMAN

RACHMAN

SHY

WORLD BO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with