^

PSN Palaro

GBP may ikakasang demanda sa Top Rank

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kung hindi maisa­sa­ayos, nakatakdang maglaban uli sa korte ang Top Rank Promotions at Gol­den Boy Promotions dahil sa kita ni Manny Pacquiao sa huling tatlong laban nito.

Nagsampa ng rekla­mong racketeering at fraud ang GBP laban kina Top Rank CEO Bob Arum at CFO David Lopez dahil uma­no sa di pagdedeklara ng tama sa kita ni Pacquiao sa huling laban nito kontra kina Joshua Clottey, Miguel Cotto at David Diaz.

Inakusahan ng GBP na pag-aari ni Oscar De La Hoya na pinalalaki umano ng Top Rank ang mga gastusin upang lumiit ang parte na pinaghahatian ng dalawang boxing promotions.

May porsiyento ang GBP sa lahat ng kikitain sa laban ni Pacquiao na isinasagawa ng Top Rank bilang bahagi sa pagsasaayos sa problemang kinasangkutan ng Pambansang kamao ng pirmahan niya ang dalawang kontrata na inialok sa kanya noong 2006.

 Pinabulaanan ito ng Top Rank at naniniwala ring hindi papansinin ito ng korte lalo nga’t mayroon ng umanong usapin dati na lahat ng magiging problema ng dalawang panig patungkol sa mga laban ni Pacquiao ay dapat na idaan sa maayos na usapan.

BOB ARUM

BOY PROMOTIONS

DAVID DIAZ

DAVID LOPEZ

JOSHUA CLOTTEY

MIGUEL COTTO

OSCAR DE LA HOYA

PACQUIAO

TOP RANK

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with