^

PSN Palaro

Consistency at depensa susi sa tagumpay sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Kung may dalawang ba­gay man na itinuturing na magiging susi para sa pag-uuwi ng pinakaaasam na korona ng V-League, ito ay ang patuloy na magandang laro at ang matinding depensa.

Ayon kay San Sebas­tian-Excelroof coach Ro­ger Gorayeb, ang pinakamahalagang bagay na mag­bibigay sa kanila ng ta­gumpay para sa kani­lang paghahanap ng kam­peo­nato, ito ay ang pag­papana­tili ng kanilang magandang laro.

“If we could play consistently aggressive and continue to stay focused from start to finish, we have a strong chance of winning a championship again,” saad ni Gorayeb matapos igiya ang kanyang Lady Stags sa four-set na panalo no­ong Linggo upang maipilit ang winner-take-all na laban para sa kampeonato ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Sea­­son 7.

Para naman kay Adam­son head tactician Minerva Dulce Pante, ang kanilang matinding depensa ang maghahatid sa kanila sa kanilang ikalawang tropeo sa liga.

“Our main strength is our defense. If we could find a way to impede their attacking game, we’ll have a chance,” giit ni Pante patungkol sa kanyang koponan na nangakong mas paiigtingin nila ang kanilang depensa na naghatid sa kanila sa Finals ng liga at nagbigay sa kanila ng sweep sa quarterfinals at sa semis.

At sa kanilang huling pag­duduwelo para sa season na ito bukas, inaasahan na muli na namang ga­gawa ng mga bagong adjustments ang dalawang multi-titled na coach para sa kani-kanilang koponan na may magkaibang istilo ng paglalaro.

Matapos pumalpak sa unang tatlong tangka na talunin ang San Marcelino-based spikers, nairehistro ng mga taga-Recto ang ka­nilang unang tagumpay laban sa mga ito sa larong hindi sila dapat matalo ng sila ay magpakawala ng matinding atake para ukitin ang 24-26, 25-23, 25-22, 25-20 na tagumpay sa Ga­me Two ng kanilang best-of-three finals series.

Si Jeng Bualee na ti­nang­hal na Best Scorer sa ikaapat na pagkakataon ang siyang namuno sa na­turang tagumpay ng San Se­bastian sa kaniyang 27 points kabilang ang 26 kills na bumutas sa depensa ng Adamson habang sila Joy Benito, Suzanne Roces at Elaine Cruz naman ay nagsanib para sa 43 puntos.

vuukle comment

BEST SCORER

ELAINE CRUZ

GORAYEB

JOY BENITO

KANILANG

LADY STAGS

MINERVA DULCE PANTE

PARA

SAN MARCELINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with