^

PSN Palaro

Hawks sinilo ang Olympians para sa twice-to-beat incentives

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Sa maaaring maging pre­view ng titular showdown para sa taong ito, pi­nadapa ng University of Manila ang STI Colle­ges, 79-76 sa overtime sa pagpapatuloy ng 10th edisyon ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities (NAASCU) kahapon sa UM gym sa Sampaloc, Maynila.

Nagbuslo ng mga ma­ha­halagang puntos ang ROY ng nakaraang season na si Jeff Alvin Viernes at ang isa pang premyadong hugot na si Eugene Torres para sa Jojo Castillo-coached Hawks na nag-a­asam na makapasok sa finals sa ikalawang sunod na taon matapos matalo sa nagtatanggol na San Sebastian College-Cavite noong isang taon.

Bagaman sigurado na sila para sa twice-to-beat na bentahe sa Final Four, ipinakita ng five-time titlists na UM ang kanilang tikas upang gapiin ang Olym­pians sa scoring sa ekstrang limang minute, 16-13 patungo sa kanilng ika-15 na tagumpay sa 17 na laro.

 Ang tubong Isabela na si Viernes ay naglista ng 17 puntos kabilang ang pito mula sa 16 ng Hawks sa overtime habang si Torres naman ay nagdagdag ng 11 puntos, apat mula sa extra period.

 Nahulog naman sa kanilang ikatlong kabiguan sa 17 na laro ang Olym­pians na lumaro ng wala ang kanilang head coach na si Vic Ycasiano.

 Sa isa pang laro na umabot din sa overtime, naitakas naman ng Centro Escolar University ang 93-88 na tagumpay kontra sa AMA Computer University para palakasin pa ang kanilang kampanya sa Final Four sa kanilang 12-5 na baraha.

Sa junior’s naman, ginaya ng UM Hawklets ang Hawks ng kanila ring pigilan ang St. Clare College- Caloocan, 84-79 sa overtime.

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COLLEGES AND UNIVERSITIES

COMPUTER UNIVERSITY

EUGENE TORRES

FINAL FOUR

JEFF ALVIN VIERNES

JOJO CASTILLO

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

OLYM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with