^

PSN Palaro

UM, STI 'di matinag, Informatics nagpalakas naman

-

MANILA, Philippines - Kapwa ipinagpatuloy ng University of Manila at STI ang kanilang pagkaka­kapit sa top posisyon matapos na igupo ang kani-kanilang mga kalaban, kasabay ng paglapit naman ng Infor­ma­tics sa semifinal sa 10th National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities sa UM Gym kahapon.

Naiwasan ng Hawks na makatikim ng upset mula sa Our Lady of Fatima U Phoenix ng kanila itong malusutan sa iskor na 73-66, at ilista ang kani­lang pang-14th panalo matapos ang 16 laro, habang hiniya naman ng Olym­pians ang Centro Escolar U Scor­pions, 74-68 para sa kani­lang pang-13th panalo sa likod ng 16 laro.

Sa kabilang dako, niyanig ng Icons ang San Se­bastian-Cavite Baycats, 81-58 upang makasama ang Hawks at Olympians sa playoff phase sa kani­lang 11-5 (win-loss) slate sa tournament na ito na inor­ganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan at may ayuda mula sa Vega Balls at Tropical 

Sa isa pang laban, pinataob ng AMA Computer U Titans ang New Era U Hunters, 84-64 para sa kanilang ikapitong panalo matapos ang walong talo.

 Gayunpaman, nanana­tiling nasa kontensiyon ang CEU at OLFU, taglay ang kanilang 10-5 at 10-6 win-loss slate patungo sa nalalapit na pagtatapos ng second round sa event na ito na pinangangasiwaan ni commissioner Ronnie Ca­handing at tournament director Benjie Diswe. (JV)

STI 74 - Morales 15, Betayene 14, Ablaza 12, Gabo 8, Bautista 8, Sabellina 6, Ihalas 6, Chavez 3, Melano 2.

CEU 68 - Lobaton 12, Babad 12, Almario 9, Chua 6, Flores 6, Gallardo 6, Antes 6, Magbitang 5, Banas 2, Taclas 2, Garcia 2.

Quarterscores: 24-17; 39-35; 48-56; 74-68.

BENJIE DISWE

CAVITE BAYCATS

COLLEGES AND UNIVERSITIES

COMPUTER U TITANS

DR. JAY ADALEM

ESCOLAR U SCOR

NATIONAL ATHLETIC ASSOCIATION OF SCHOOLS

NEW ERA U HUNTERS

OUR LADY OF FATIMA U PHOENIX

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with