^

PSN Palaro

FEU sa finals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipinakita ni Terrence Ro­meo na karapat-dapat siya sa pagiging Rookie of the Year sa 73rd UAAP men’s basketball nang pangu­nahan niya ang malakas na paglalaro sa overtime ng FEU tungo sa 69-59 panalo sa La Salle sa pagsisimula ng Final Four kahapon sa Araneta Coliseum.

Mag-isang giniba ni Romeo ang buong Archers nang magpakawala siya ng dalawang magkasunod na tres matapos matikman ng Archers ang huling kala­mangan sa laro sa 59-57, bu­hat sa triple ni Joseph Ma­rata upang maigiya ang Tamaraws sa Finals.

May 12 puntos nga si Ro­meo sa kabuuan ng laro at ang anim na puntos sa extention ay higit pa ng dala­wa sa kabuuang ginawa ng Archers sa yugto.

Ang papaalis na manla­laro na si Paul Sanga ay na­kapagpasikat din nang maipasok niya ang 28-footer may 30.9 segundo sa ora­san upang maitabla ang laro sa 55-all.

“Iba talaga ang talent ni Terrence at naniniwala akong gagaling pa ang batang ito,” pagpupugay ni Ca­pacio.

Naunang inakala ng mga panatiko ng Archers na makakahirit ng rubbermatch ang fourth seeds matapos nga ang pagta­ngan sa 51-42 kalama­ngan may 6:34 sa orasan matapos magpakawala ng pitong sunod na puntos.

Pero nangapa sa opensa ang tropa ni coach Dindo Pumaren nang magtala na lamang ng apat na puntos mula sa free throw line.

“FEU played well in the last four minutes in the fourth period and we made a lot of lapses. Inexperience pa ang mga bata but hopefully, we can come back and go all the way next year,” wika ni Archers coach Dindo Pumaren.

Isang tres ni Romeo ang nagpatabla sa FEU sa 52-all at matapos ang tatlong pinagsamang free throws nina Andrada at Mendoza ay nagpakawala naman ng triple si Sanga.

Sumablay naman sina Simon Atkins at Mendoza sa dalawang birada sabay tunog ng buzzer upang magkaroon ng limang mi­nutong extension.

May 5 rebounds at 2 steals pa si Romeo habang 7 rebounds at 2 steal naman ang inihatid pa ni Sanga.

Ang ikalawang puwesto sa Finals ay paglalabanan naman ng nagdedepensang Ateneo at Adamson sa Linggo.

Gaya ng FEU, kaila­ngan lamang ng Eagles na manalo sa Falcons para maitakda ang best of three finals nila ng Tamaraws.

FEU 69--Romeo 12, Sanga 12, Garcia 11, Cervantes 9, Ramos 9, Noundou 8, Bringas 2, Exciminiano 2, Knuttel 2, Mendoza 2, Cruz 0.

DLSU 59--Webb 15, Andrada 7, Atkins 7, Mendoza 7, Marata 6, Tolentino 6, Dela Paz 5, Tampus 2, Villanueva 2, Vosotros 2, Ferdinand 0.

Quarterscores: 20-12; 26-32; 40-44; 55-55; 69-59.

ANDRADA

ARANETA COLISEUM

DELA PAZ

DINDO PUMAREN

FINAL FOUR

JOSEPH MA

LA SALLE

MENDOZA

PAUL SANGA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with