^

PSN Palaro

SSC, AdU spikers unahan sa Game 1

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong rounds, anim na koponan na ang umuwing sawi habang dalawa na lamang ang nalalabing nakatayo at maglalaban para sa pi­nakaaasam na titulo.

Sisimulan na ng Adamson University at San Sebastian College-Recoletos ang kanilang sagupaan para sa titulo sa Game One ng best-of-three series ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 ngayong araw sa The Arena sa San Juan.

Ipinoste ng Lady Falcons at Lady Stags ang ka­nilang kauna-unahang paghaharap sa titular show­down ng ligang iniisponsoran ng Shakey’s Pizza matapos nilang walisin ang kani-kanilang semis series noong Linggo.

Sa kanilang pagtuntong sa Finals, itinala ng San Marcelino-based spikers ang kanilang ikatlong finals appearance, ang una ay no­ong sa unang conferen­ce ng fifth season na kung saan naiuwi nila ang kani­lang nag-iisang titulo laban sa Ateneo at ang ikalawa naman ay noong ikalawang conference ng sixth season na kung saan nabigo sila laban sa University of Sto. Tomas.

Ang natatanging titulo ng Stags ay nagmula no­ong ikalawang conference ng fifth season matapos nilang padapain ang Tigresses.

Sa curtain raiser naman, sisimulan rin ng Far Eastern U at Lyceum ang kanilang best-of-three series para sa third place trophy sa alas-2 ng hapon.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

FAR EASTERN U

GAME ONE

LADY FALCONS

LADY STAGS

SAN JUAN

SAN MARCELINO

SAN SEBASTIAN COLLEGE-RECOLETOS

SHAKEY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with