^

PSN Palaro

St. Clare sinorpresa ang CEU

- Ni Ma­nuel Cinco -

MANILA, Philippines - Gumawa ng malaking sorpresa ang host school St. Clare College matapos nilang hiyain ang dating lider na Centro Escolar University, 90-87 upang pahigpitin ang kanilang kapit sa kontensyon sa 10th NAAS­CU junior basketball tournament sa UM gym Sam­paloc, Manila.

Sumandig ang Baby Saints sa mga balikat nin­a Kenneth Macapulay, Michael Federez at King Barte upang kumawala mu­la sa mahigpitang labanan nila ng Baby Scor­pions at itakas ang kanilang ikawalong panalo matapos ang 12-laban.

Tumapos si Macapulay ng 20 puntos, nagdagdag naman si Federez ng 15 puntos at may 14 puntos rin si Barte para sa St. Clare na nananatiling pinakamainit na koponan bunga ng kanilang limang dikit na panalo.

 Nag-ambag rin sina Mating Gil at Ian Paltao ng tig-10 puntos para sa Caloocan City-based Baby Saints.

Tumapos naman si Peter De Ocampo ng game-high 23 puntos para sa Noli Mejos-mentired Young Scorpions na lumasap ng kanilang ikalawang kabi­guan makaraan ang 12 laro.

 Umagaw rin ng eksena sa panalo ng St. Clare ang Our Lady of Fatima University na tinalo ang AMA Computer University, 95-83 upang makisalo sa liderato sa CEU taglay ang 10-2 win-loss slate sa torneong ito na inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng St. Clare College.

BABY SAINTS

BABY SCOR

CALOOCAN CITY

CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY

COMPUTER UNIVERSITY

DR. JAY ADALEM

IAN PALTAO

ST. CLARE

ST. CLARE COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with