^

PSN Palaro

Antonio magpapasaklolo kay P-Noy

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hindi na magbabago pa ang kaparusahan na ipinataw ng NCFP kay Grandmaster Rogelio Antonio Jr.

Sa pagdalo ni NCFP president Prospero Pichay sa PSA Forum kahapon, sinabi niyang hindi kawalan si Antonio ng kanila itong tanggalin sa binuong men’s chess team na lalaro sa 39th World Chess Olympiad sa Khanty-Mansiysk, Russia.

“Mas malakas ang team na ito kahit wala si Joey. Lagi siyang proble­ma sa NCFP at sa mga nagdaang koponan na ka­sama siya ay nagkakaroon ng di magandang unawaan ang mga kasapi ng team dahil sa pag-aasta nito,” wika ni Pichay.

Nauna rito ay humarap si Antonio kasama ang abo­gadong si Sammy Estimo upang ihayag ang ka­handaan na dumulog kay Pangulong Benigno Aqui­no III, POC, PSC at kahit sa Korte para makakuha ng pabor na desisyon sa umano’y kawalan ng kata­rungan sa NCFP.

“May sulat ako na nagbibigay ng pahintulot sa akin ng NCFP na maglaro sa US. Sana ay maayos ang problemang ito. May su­lat na rin ako kay Pangu­lo at sana ay mamagitan siya dahil national interest ito,” wika ni Antonio.

Pero matigas si Pichay dahil kailangan umanong bigyan ng kaparusahan ang aksyon ni Antonio na hindi bumalik ng bansa para sumali sa 1st Florencio Campomanes Memorial Cup.

“Nilagdaan ko ang dokumento pero ipinasabi ko na dapat ay bumalik siya para sa Campomanes Cup. Kailangan ay may di­siplina ang mga atleta at may kaparusahan sa mga sumusuway sa kautusan ng asosasyon at wala rito ang kaibigan o kapatid kung pagpapatino sa isang atleta ang pag-uusapan,” pahayag pa ni Pichay.

Umani naman ng su­porta ang aksyon na ito ng NCFP kay Antonio mula sa dalawang batang Grandmaster na sina John Paul Gomez at Darwin Laylo.

“Ngayon ay wala ng mangyayaring away-away sa team kaya hanga ako kay Mr. Pichay,” wika naman ni Laylo na nasa ikaapat na sunod na paglalaro sa Olympiad.

Bukod sa dalawang ito na maglalaro sa board two at three ay kasama rin si Super GM Wesley So bilang board one at GM Eugene Torre bilang board 4. Si IM Richard Bitoon ang alternate. Sa koponang ito inaasahan ni Pichay na ta­tapos sa top 20-25 na ta­tabon sa 48th finish sa nagdaang Olympian sa Dresden, Germany.

CAMPOMANES CUP

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

FLORENCIO CAMPOMANES MEMORIAL CUP

GRANDMASTER ROGELIO ANTONIO JR.

JOHN PAUL GOMEZ

MR. PICHAY

PANGULONG BENIGNO AQUI

PICHAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with