^

PSN Palaro

Cebu itinabla ang serye sa 2-2

-

MANILA, Philippines - Kinakitaan ng ibayong determinasyon ang M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu nang kunin ang 73-72 pa­nalo laban sa Misamis Oriental at maitabla SA 2-2 ang Tour­nament of the Philippi­nes Finals series nitong Sa­bado sa Xavier University Gym sa Cagayan de Oro City.

Isinantabi ng Niños ang walong puntos na kalamangan ng Meteors, 70-62, may 5:13 sa orasan nang inunti-unti nila ang pagbangon sa pangungu­na ni Mark Ababon.

Pumasok upang halin­hinan ang na-foul out na si Stephen Padilla, si Ababon ay bumanat ng magkasunod na jumpers upang ibigay nga sa Niños ang isang puntos na kalamangan.

Nagkaroon pa ng pagkakataon ang Meteors na maagaw ang panalo pero kinapos ang birada ni Eder Saldua sa ilalim para manalo ang Ninos at magtabla sa 2-2 ang dalawang koponan sa best of five title series sa ligang pinagtutulungang itaguyod ng Philippine Basketball League at Liga Pilipinas.

Ang panalo ng tropa ni coach Raul Alcoseba ay nagresulta upang mabawi uli nila ang homecourt advantage dahil ang deci­ding Game Five ay lalaruin sa New Cebu Coliseum nga­yong gabi.

May 16 puntos si Mark Magsumbol habang tig-siyam naman ang iniambag nina Padilla, Ababon at Ariel Mepana para sa nanalong koponan.

Si Patrick Cabahug ay mayroong 18 habang 14 at 11 naman ang ibinigay nina Reed Juntilla at Neil Rane­ses para sa Meteors.

ABABON

ARIEL MEPANA

EDER SALDUA

GAME FIVE

LHUILLIER KWARTA PADALA-CEBU

LIGA PILIPINAS

MARK ABABON

MARK MAGSUMBOL

MISAMIS ORIENTAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with