^

PSN Palaro

Hawks, Olympians lalo pang tumatag

- Joey Villar -

MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ng University of Manila at STI ang kanilang pagpapasolido sa itaas ng standing matapos na umiskor ng panalo sa magkahiwalay na kalaban sa pagpapatuloy kahapon ng 10th National Athletic As­sociation of Schools, Col­leges and Universities basketball tournament sa UM Gym.

Kumana si Rhandelle Colina ng 20 puntos upang trangkuhan ang Hawks sa 67-47 paglampaso sa AMA Computer University.

Nag-ambag naman si­na JR Tan at Alvin Viernes ng 12 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod upang sumuporta kay Colina sa pagbitbit sa Sampaloc-ba­sed dribblers sa 12th pa­nalo matapos ang 13 pa­kikipaglaban at lalong pahigpitin ang kanilang ka­pit sa solong liderato sa 12-team tournament na ito na inorganisa ni Dr. Jay Adalem ng host school St. Clare College-Caloocan.

Sa kabilang dako, humugot naman ng lakas ang Olympians mula sa tikas ni Rama Morales na naglista ng 16 puntos upang pamunuan ang paghiya sa New Era U, 66-35.

Ang panalong ito ng Olympians ang naglapit sa kanilang kampanya sa paghahabol sa Hawks ma­tapos na iposte ang 11-2 win-loss slate.

Nagpasabog si Mark Mangalindan ng 10 puntos, subalit hindi ito na­ging sapat upang tulungan ang Titans na makaiwas sa paglasap ng kanilang ika­pitong kabiguan sa likod ng anim na panalo sa 13 pa­kikipaglaban.

Sa panig naman ng Hunters, tumapyas si Mac Sevilla ng 12 puntos ngunit hindi ito naging sapat upang madala ang koponan sa panalo nang hindi gaanong nakakuha ng suporta mula sa kanyang ka-teammate.

Nalasap ng Hunters ang kanilang ikawalong pagkatalo matapos ang limang panalo.

ALVIN VIERNES

COMPUTER UNIVERSITY

DR. JAY ADALEM

MAC SEVILLA

MARK MANGALINDAN

NATIONAL ATHLETIC AS

NEW ERA U

RAMA MORALES

RHANDELLE COLINA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with