^

PSN Palaro

Lady Stags, Falcons puntirya ang Finals sa Shakey's V-League

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Isang panalo na lamang ang kailangan ng Adamson University at ng San Sebastian College upang tuluyan na nilang ma­isapormal ang kani­lang unang paghaharap sa Finals ng ikalawang conference ng Shakey’s V-League Season 7 at iyan ang kanilang tangka sa Game Two ngayong araw sa The Arena sa San Juan.

Nagrehistro ng tagum­pay ang Lady Falcons at Lady Stags sa Game One ng kani-kanilang best-of-three semifinals series ma­tapos nilang padapain ang Lyceum at FEU.

Maghaharap ang Adam­son at Lyceum sa pambungad na bakbakan sa ganap na alas-2 ng hapon habang tampok sa main event ang pagsusukatan ng San Sebastian at FEU sa alas-4 ng hapon.

Kinailangan ng San Mar­celino-based spikers ang limang sets upang ga­piin ang Lady Pirates. Nagbida ang dating MVP na si Nerissa Bautista na nagtala ng 23 puntos habang nagsalo sa 49 sina Michelle Laborte, Pau Soriano at Angela Benting.

Tinalo naman ng mga ta­ga-Recto ang Lady Ta­maraws sa loob ng apat na sets sa pangunguna ni Thai ace Jang Bualee na rumehistro ng 26 puntos. 

Hindi pa rin sigurado kung makikitang muli sa aksyon para sa San Sebastian ang Best Setter ng unang conference sa season na ito na si Bamcie Belen matapos na hindi makapaglaro sa Game One dahil sa nararamdamang abdominal pains.

Kung saka-sakaling tu­luyan ng mawalis ng mga tropa nila coach Minerva Dulce-Pante at Roger Gora­yeb ang kani-kanilang mga serye, unang beses silang maghaharap sa ti­tular showdown ng ligang iniisponsoran ng Shakey’s Pizza at inorganisa ng Sports Vision.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ANGELA BENTING

BAMCIE BELEN

BEST SETTER

GAME ONE

GAME TWO

JANG BUALEE

LADY FALCONS

SAN SEBASTIAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with