^

PSN Palaro

Malaking improvement

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Sa kasalukuyang 73rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament, tatlong koponan ang masasabing nag-improve nang husto at ito’y ang Adamson Falcons, La Salle Green Archers at National University Bulldogs.

Ang Falcons at Green Archers ay nakabalik sa Final Four samantalang nagtapos sa ikalimang puwesto ang Bulldogs sa record na 7-7.

Unahin nating talakayin ang Bulldogs na noong mga nakaraang seasons ay palaging nangungulelat. Well, nagsawa na sila sa puwestong iyon. Nagpalit ng coach ang NU at kinuha si Eric Gonzales na siyang gumiya sa Bulldogs sa pitong panalo. Napakalaking improvement nito. Biruin mong 50 percent ang kanilang batting average ngayon. Kinapos lang sila ng isang panalo upang makapuwersa ng playoff para sa ikaapat na Final Four slot.

Kaya nga, natutuwa pa rin si Gonzales sa achievement ng kanyang team. Malamang na ang buong NU community ay nagdiriwang at ngayon pa lang ay nangangarap na makarating sa Final Four sa susunod na season.

Pero siyempre, hindi maitatatwang napakalaking bagay sa Bulldogs ang support ng management. De­ter­minado ang bagong may-ari ng eskuwelahang ito na mapalakas ang sports program nila hindi lang sa basketball at volleyball kundi sa iba’t ibang events.

So tiyak na magiging powerhouse din ang Bulldogs in the future!

Ang Adamson ay muling nakarating sa Final Four sa ilalim ng pamamatnubay ni coach Leovino Austria. Nagtapos ang Falcons sa ikatlong puwesto sa record na 9-5 nang talunin nila ang La Salle, 69-64 noong Huwebes.

Kaya naman natutuwa si Austria dahil nabokya nila ang La Salle sa season na ito, 2-0. Ngayon pa lang yata nangyari iyon. So, sa pagtatapos ng double round elims ay nagkaroon pa ng napakalaking morale booster ang Falcons.

Kaya kahit na nakatingala sila sa twice-to-beat na bentahe ng makakalaban nila sa Final Four, upbeat pa rin ang Falcons at sa kanilang isipan ay may tsansa silang makarating sa championship round.

Matapos namang mabigong pumasok sa Final Four noong nakaraang season ay heto na naman ang Green Archers at may pag-asang magkampeon. Hindi pa malinaw kung alin sa Far Eastern University at Ateneo ang makakatagpo ng Green Archers sa Final Four. Ganoon din ang sitwasyon para sa Falcons dahil nakasalalay pa ang lahat sa magiging resulta ng laro ng Tamaraws at Blue Eagles ngayon.

Subalit kahit alin sa Tamaraws o Blue Eagles ang makaharap ng Green Archers ay okay lang. Kasi, 1-1 ang record nila sa dalawang teams na ito. At hindi ba’t sa huling pagtatagpo nila ng nangungunang FEU ay tinambakan nila ang Tamaraws?

Kahit paano’y inisip siguro ng Tamaraws iyon pa­pasok sa game nila ng Blue Eagles ngayon. Gusto ba talaga nilang maging No. 1 para makaharap ang La Salle na tumambak sa kanila?

ADAMSON FALCONS

ANG ADAMSON

ANG FALCONS

BLUE EAGLES

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

KAYA

LA SALLE

NILA

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with