^

PSN Palaro

Pinay cagers 'di na sasali sa China tune-up games

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tinamaan din ang nag­hahandang RP women’s basketball team ng pagkamatay ng walong Hong Kong nationals sa hostage drama sa Quirino Grandstand.

Naapektuhan ang pla­nong pagtungo sa China ng koponang hawak ni coach Haydee Ong para mapaig­ting ang paghahan­da para sa SEABA Women’s Championship na gagawin sa Ninoy Aquino Stadium mula Oktubre 24 hanggang 29.

“Dapat ay mayroon ka­ming tune-up games sa China pero dahil sa pangyayari ay mas minabuti na ng mga magulang ng mga players na huwag na itong ituloy,” wika ni Ong.

Sa ngayon ay sinisipat nila ang Korea o Japan upang ipalit sa naudlot na biyahe para magkaroon pa ng magandang pagha­handa papasok sa torneo.

Makasaysayan ang SEABA Women’s dahil ito ang unang pagkakataon na idaraos ito sa Pilipinas at unang kampeonato rin ang pakay ng nationals na suportado ng Discovery Suites.

May 16 na players ang nagsasanay araw araw sa Ninoy Aquino Stadium at pinangungunahan sila ng mga Fil-Ams na sina Melissa Jacob at Ana Pineda at ang nagbabalik na 6’0” center na si Cassey Tioceso.

Ang tatlo ay dumating sa kalagitnaan ng Agosto at hindi pa nasasabak sa matinding laban di tulad sa ibang mga kasamahan na nakapagsanay sa Australia.

Maliban sa Pilipinas ay dadalo rin sa torneo ang makailang ulit na kampeon na Malaysia, Thailand, Indonesia, Singapore at Laos.

Pinakamataas na na­abot ng Pilipinas sa SEABA women’s ay noong 2007 sa Thailand nang pumanga­lawa sila sa host country. Ka­bilang nga rito sina Jacob at Tioceso.

“Malaki ang tsansa natin dahil sa atin gagawin ang kompetisyon. Medyo maliit tayo pero babawi tayo sa speed, shooting at depensa,” may kumpiyansa pang pahayag ni Ong.

Isang single round robin ang magaganap sa anim na kalahok sa elimination round at ang mangungunang dalawang koponan ang aabante sa one game finals. 

vuukle comment

ANA PINEDA

CASSEY TIOCESO

DISCOVERY SUITES

HAYDEE ONG

HONG KONG

MELISSA JACOB

NINOY AQUINO STADIUM

ONG

PILIPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with