^

PSN Palaro

Lady Stags nakauna

- Ni Manuel Cinco -

MANILA, Philippines - Isang tagumpay na lamang ang kinakailangan ng San Sebastian Colle­ge- Recoletos upang mu­ling makabalik sa finals matapos nilang angkinin ang Game 1 ng kanilang best-of-three semifinals series kontra Far Eastern University kahapon sa The Arena sa San Juan kahapon.

Sinuwag ng Lady Stags ang Lady Tamaraws sa lo­ob ng apat na sets, 30-28, 25-18, 22-25 at 25-20 upang lumapit sa kanilang ikapitong pagtungtong sa finals ng ligang iniisponsoran ng Shakey’s Pizza.

Kumamada ang Thai import na si Jaroensri Bualee ng 26 puntos na kinapapalooban ng 25 spikes upang panguna­han ang bataan ni coach Roger Gora­yeb sa kanilang tagumpay na lumaro ng wala ang kanilang nangu­ngunang setter na si Bamcie Belen dahil sa nararamdamang abdominal pains habang nagposte naman ng tig-11 puntos si guest player Suzanne Roces at mainstay Elaine Cruz habang nagdagdag ng siyam si Joy Benito para ayudahan ang leading scorer ng liga na si Bualee.

Nagtambal sina Monique Tiangco na tumirada ng 14 puntos at guest player Michelle Carolino na naglista naman ng 13 puntos upang banderahan ang tropa ni coach Nes Pamilar na naglaro na wala ang kanilang isa pang guest player na si Rachelle Anne Daquis na mayroong sprained right ankle. Nagsalo naman para sa 21 puntos sina Cherry Mae Vivas at Wenneth Eulaio.

vuukle comment

BAMCIE BELEN

CHERRY MAE VIVAS

ELAINE CRUZ

FAR EASTERN UNIVERSITY

JAROENSRI BUALEE

JOY BENITO

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

MICHELLE CAROLINO

MONIQUE TIANGCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with