Koreans, RP jins magkasamang magsasanay
MANILA, Philippines - Bilang paghahanda para sa nalalapit na ika-16th na Asian Games sa China, magkakaroon ng pagkakataon ang Smart National Taekwondo Team na magsanay kasama ang Korean National Squad mula sa ika-9 hanggang 16 ng Setyembre sa Rizal Memorial Coliseum.
“This is a good opportunity for our (Smart national taekwondo) wards to improve their skills and techniques against world-class opponents,” ani Philippine Taekwondo Association President Robert N. Aventajado.
Ang pambato ng Korea kabilang ang apat na opisyal sa pangunguna ni Ryoo Byung-kwan at ng 24 na atleta ay dumating sa bansa kamakalawa ng gabi at babalik sa Korea sa Setyembre 17.
Positibo ang mga opisyal ng PTA na makakatulong sa mga Pinoy jins ang pakikipag-ensayo kasama ang Korea na isang world power sa taekwondo.
Dalawang beses isang araw ang pagsasanay ng RP Team at ng mga Korean mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali at mula alas-2 ng hapon hanggang alas-6 ng gabi.
Ang pagsasanay na ito ng mga ataleta ng bansa ay sinusuportahan ng Smart, PLDT at Philippine Sports Commission.
- Latest
- Trending



















