Bedans 'di mapigil sa pananalasa
MANILA, Philippines - Apat na panalo pa ang kailangan ng Red Lions para ganap na masakmal ang unang finals ticket.
Humugot si Garvo Lanete ng 13 sa kanyang career-high 30 points sa fourth quarter para pagbidahan ang 90-78 paggupo ng nangungunang San Beda College sa Mapua Instiute of Technology sa second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Sa inisyal na laro, binuhay ng Letran College ang kanilang tsansa para sa ikaapat at huling Final Four berth matapos gibain ang talsik nang University of Perpetual Help-System Dalta, 90-61.
Nag-ambag sina Aloysius Taplah, Jam Cortes, Franz Dysam, Jaypee Belencion at Jay Espiritu ng 14, 13, 12, 12 at 10 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Knights, habang umiskor si Jet Vidal ng 21 points para sa Altas na hindi pa nakakatikim ng panalo matapos ang 12 laro.
May 12-0 rekord ngayon ang San Beda kasunod ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos (11-1), Jose Rizal University (9-3), Mapua (7-5), Letran (5-7), Arellano University (4-8), College of St. Benilde (4-8) at mga sibak nang Emilio Aguinaldo College (2-10) at Perpetual (0-12).
San Beda 90- Lanete 30, J. Pascual 13, Daniel 11, dela Rosa 10, Caram 8, Marcelo 8, A. Semerad 6, Villahermosa 2, Sorela 2, D. Semerad 0, K. Pascual 0.
Mapua 78- Mangahas 22, Cornejo 16, Pascual 10, Banal 10, Acosta 9, Sarangay 4, Ranises 3, Stevens 2, Guillermo 2, Ighalo 0, Parala 0.
Quarterscores: 24-13; 39-26; 66-57; 90-78.
- Latest
- Trending















