Celebrity dadagsa sa Blue Water Fun Run

MANILA, Philippines - Isang star-studded na running event na kinatatampukan ng mga nangungunang celebrity at mga modelo mula sa Brazil ang sasalang sa susunod na buwan sa pag-andar ng Blue Water Day Spa Fun Run na gaganapin sa Oktubre 17 sa SM Mall Of Asia grounds sa Pasay City.

Pangungunahan nina Sam Milby, Karylle, Mikaela Lagdameo-Martinez, Fabio Ide, Danile Matsunaga, Boom Labrusca at running coach Rio Dela Cruz ang listahan ng mga celebrity na lalahok sa naturang event na katatampukan ng 3K, 5K, at 10K races na nasa ikalimang taon na at magsisimula sa ganap na alas-5 ng madaling araw.

“It has always been the aim of the event to make people realize that physical beauty comes with a healthy body,” wika ni Blue Water Day Spa President Francis Ryan Simisim sa PSA Forum na ginanap sa Shakey’s U.N. Avenue.

Inaasahang 5,000 na mananakbo ang lalahok sa event na inorganisa ng Blue Water Day Spa na mayroong 25 branches sa buong bansa.

Ang pagpapatala ay ginaganap sa kasalukuyan at may registration fee na P500 para sa 3K, P600 para sa 5K at P700 para sa 10K na may kasama ng singlet sa outlet ng Timex sa SM MOA at Glorietta, ROX na nasa Bonifacio High Street, Columbia sa Greenbelt 5 Rest Toe Run sa Gateway, Urban Luxe Facial Center and Spa sa Ayala Alabang at Blue Water Day Spa sa Makati, Ortigas, Eastwood, Tomas Morato at Capitol Hills.

Show comments