Suarez, Boholst susuntok sa finals

MANILA, Philippines -  Ipinagpatuloy ng PLDT-ABAP national boxing team ang magandang kampanya sa Blue And Gold Tournament sa Maywood, California.

Ito ay matapos umiskor ng magkahiwalay na panalo sina Charly Suarez at Delfin Boholst sa kani-kanilang karibal.

Tinalo ni Suarez ang 17-anyos na si Saul Rodriguez ng Los Angeles, habang binigo naman ni Boholst ang 23-anyos na si Santiago Guevara ng Maywood.

 Makakatapat ni Suarez sa kanyang finals match si Christian Leon ng Grace na nagkampeon sa apat na magkakaibang weight divisions sa Blue and Gold at may rekord na 95 fights.

Sasagupain naman ni Boholst si Jaime Ocegueda ng Commerce na nanalo kay Karpis Burushyan ng Gio’s Boxing Gym.

Nagtala rin ng panalo si Ricky Dulay matapos gulpuhin si Ismael Fernandez ng Durango.

Bukod kina Suarez, Boholst at Dulay, lalaban rin sa finals sina Gerson Nietes, Rey Saludar at Jo­sie Gabuco.

Show comments