Phoenix may puwesto na sa F4
MANILA, Philippines - Sumeguro na ng puwesto sa magic four ang Our Lady Of Fatima University matapos talunin ang host school St. Clare kahapon, 95-62 sa pagpapatuloy ng umiinit na aksyon ng 10th edisyon ng National Athletic Association of Schools, Colleges and Universities sa University of Manila Gym.
Naglista ng 29 points, apat na rebounds at tig-dalawang assists at steals ang tubong Davao na si Anthony Benavidez para banderahan ang Phoenix patungo sa kanilang ika-pitong tagumpay kontra sa apat na kabiguan at iwan na ang defending champion San Sebastian-Cavite sa panglimang puwesto na mayroong 6-4 kartada.
Pinadapa naman ng New Era University ang University of Makati, 95-62 upang mapanatili pa ang kanilang pag-asa na makausad sa semifinals ng naturang liga.
Ang tubong Rizal na si Mhark Lopez ang nagbida para sa Hunters sa kanyang kinamadang double-double na 26 puntos at sampung rebounds. Tumabla sa ikapitong puwesto ang New Era kasama ang AMACU sa kanilang magkaparehong 5-5 win-loss slate.
Sa kanilang mga kabiguan, nahulog ang Saints sa 2-9 na baraha habang nananatiling wala pa ring panalo ang Hardy Herons sa loob ng 11-games.
- Latest
- Trending