^

PSN Palaro

Stags nakalibre sa panalo ng Blazers sa Chiefs

- Ni R.Cadayona -

MANILA, Philippines - May dapat ipagpasalamat ang Stags sa Blazers.

Mula sa 71-69 panalo ng College of St. Benilde sa Arellano University, nakapasok nang libre ang nag­dedepensang San Sebastian College-Recoletos sa Final Four ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 11-0 rekord ang semifinalist San Beda College kasunod ang San Sebastian (10-1), Jose Rizal University (8-3), Mapua (7-4), Arellano (4-7), Letran College (4-7), St. Benilde (4-8) at mga sibak nang Emilio Aguinaldo College (2-10) at University of Perpetual Help-System Dalta (0-10).

Tumipa si Mark De Guzman ng 19 points para sa naturang panalo ng Blazers kasunod ang 11 ni Ian Dela Paz at 9 ni Carlo Lastimosa, ang tu­ma­tayong leading scorer ng Taft-based cagers.

“I’m happy for Mark because he really struggled in our last few matches,” ani St. Benilde coach Richard del Rosario sa da­ting RP Youth standout na si De Guzman. “I would like to give credit for Carlo because he took a step back to give his other teammates a chance.”

Naglista naman ng game-high 24 points si Adrian Celada para sa Chiefs ni mentor Leo Isaac.

Sa ikalawang laro, binuhay rin ng Cardinals ang kanilang tsansa sa Final Four nang talunin ang Generals, 74-65, galing sa 15 points ni Erwin Cornejo at 12 ni Allan Mangahas.

Matapos maiwanan sa first period, 8-17, nili­mitahan ng Mapua ni Chito Victolero sa 6 produksyon ang EAC ni Nomar Isla sa kabuuan ng second quarter upang ilatag ang isang 10-point lead, 33-23, sa halftime.

Mula rito, itinayo ng Cardinals ang malaking 16-point advantage sa third canto, 59-43, sa pangunguna nina Cornejo, Mangahas at TJ Guillermo.

Pinangunahan ni Claude Cubo ang Generals mula sa kanyang team-high 14 points.

CSB 71- De Guzman 19, dela Paz 11, Lastimosa 9, Nayve 7, Tan 7, McCoy 4, Wong 4, Argamino 4, Abolucion 3, Sinco 2, Manalac 1, Amin 0.

Arellano U 69- Celada 24, Ciriacruz 12, Lapuz 8, Zulueta 7, del Rosario 4, Caperal 4, Acidre 4, Anquilo 4, Palma 2.

Quarterscores: 15-26; 37-34; 53-56; 71-69.

Mapua 74- Cornejo 15, Mangahas 12, Guillermo 9, Pascual 8, Sarangay 7, Acosta 7, Stevens 5, Banal 5, Parala 4, Ighalo 2, Ranises 0.

EAC 65- Cubo 15, Jamon 14, Vargas 13, Mendoza 10, Lapitan 3, Chiong 2, Santos 2, Tuazon 2, R. Yaya 2, L. Yaya 2, Diolanto 0, Villegas 0.

Quarterscores: 8-17; 33-23; 59-43; 74-65.

ADRIAN CELADA

ALLAN MANGAHAS

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

CARLO LASTIMOSA

CHITO VICTOLERO

DE GUZMAN

FINAL FOUR

MAPUA

ST. BENILDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with