^

PSN Palaro

Antonio dadalhin ang problema sa korte

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Dudulog sa korte si GM Rogelio Antonio matapos siyang alisin sa Pambansang koponan nang hindi makalaro sa dalawang malalaking kompetisyon na ginaganap sa bansa.

“The actuations of Mr. Prospero Pichay and Mr. Willie Abalos had besmirched my reputation as a national sports figure, and had caused me extreme mental anguish and sleepness nights. They left me without a choice but to sue them in court, civilly and criminally,” wika ni Antonio sa kanyang statement.

Inalis si Antonio, ang board two player ng bansa, ng kanyang piliin na maglaro na lamang sa tatlong araw na mga torneo sa US sa halip na sa dalawang malalaking troneo na 6th Pichay Cup at 1st Florencio Campomanes Memorial Cup na idinadaos sa Ninoy Aquino Stadium.

Ipinalit kay Antonio si IM Richard Bitoon na siyang magiging reserve sa koponang binubuo ng mga Grandmasters na sina Wesley So, John Paul Gomez, Darwin Laylo at Eugene Torre.

Pero ipinasa ni Antonio ang sisi sa pangulo ng NCFP na si Pichay dahil nilagdaan niya ang liham na humihingi ng pondo sa Philippine Sports Commission para ipansuporta sa kanyang paglahok sa torneo sa US.

“I’m surprised at this complete turn-around in the stand of Mr.Pichay. Maybe, he has forgotten it and just listened to the suggestion of Willie Abalos his trusted man,” wika nito.

Sinikap ng asawa ni Antonio na si Aileen na umapela kay Pichay nang magtungo ito sa tanggapan ng NCFP kahapon pero hindi na ito dininig ng opisyal. Nauna ng sinabi ni Pichay na nilagdaan niya ang liham dahil sa paniniwalang babalik si Antonio para lumaro sa Campomanes Cup.

Ipinag-utos ng NCFP president sa lahat ng mga kasapi ng national team na maglaro kahit sa isa sa Pichay Cup at Campo­manes Cup dahil ang torneong ito ay nilalahukan ng mga bigating GMs ng ibang bansa at may basbas ng FIDE.  

ANTONIO

CAMPOMANES CUP

DARWIN LAYLO

EUGENE TORRE

FLORENCIO CAMPOMANES MEMORIAL CUP

JOHN PAUL GOMEZ

MR. WILLIE ABALOS

NINOY AQUINO STADIUM

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PICHAY

PICHAY CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with