^

PSN Palaro

68 bowlers dikdikan sa BWC race

- Ni Mcinco -

MANILA, Philippines - Matutunghayan ngayon ang 68 bow­lers para sa dalawang Bowling World Cup International slots sa Paeng’s Midtown Center.

Pangungunahan nina national bow­lers Apple Posadas, Krizziah Tabora at Liza del Rosario ang 34 pang lady as­pirants na naghahangad ng silya sa top eight.

Kabuuang 34 bowlers kalahok naman ang sasabak sa men’s division sa pa­ngunguna nina Jeff Carabeo, six-time world Champion Paeng Nepomuceno at Jeremy Posadas.

Nagpagulong si Posadas ng 2109 para sa kanyang average na 210.90 sa unang araw ng women’s class kasu­nod sina Tabora (2096) at Del Rosario (2066).

Nanguna naman si Carabeo, dating BWC international campaigner, ng 2737, sa men’s categroy sa itaas nina Nepomuceno (2715) at Posadas (2714).

Sina Nepomuceno, ang tanging four-time World Cup titlist, at Del Rosario ang kumampanya sa nakaraang BWC international finals sa Melaka, Malaysia kung saan tinanghal si Nepomuceno bilang Sportsman of the Tournament.

Sa unang araw ng naturang torneo, nagtala ang regular campaigner na si Sammy Sy ng perpektong 300 patungo sa ika-apat na puwesto

Ang dalawang magkakampeon sa men’s at women’s division ang kakatawan sa bansa para sa naturang international finals na nakatakda sa Oktubre 15-24 sa 44-lane sa Toulon, France.

APPLE POSADAS

BOWLING WORLD CUP INTERNATIONAL

CHAMPION PAENG NEPOMUCENO

DEL ROSARIO

JEFF CARABEO

JEREMY POSADAS

KRIZZIAH TABORA

MIDTOWN CENTER

NEPOMUCENO

SAMMY SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with