^

PSN Palaro

Rain or Shine 'di pakakawalan si Reyes

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Bagamat maraming koponan ang tumatarget kay 6-foot-8 Jay-R Reyes, hindi pakakawalan ng Rain or Shine ang dating University of the Philippines standout.

Ito ang inihayag nina team owners Raymond Yu at Terry Que kaugnay sa pagpaparamdam sa kanila ng San Miguel, Barangay Ginebra, Derby Ace, Talk ‘N Text, Meralco at Powerade, dating Coca-Cola.

“Definitely not,” sambit nina Yu at Que sa tangkang pakikipag-trade sa kanila ng apat na PBA teams bago ang darating na 36th season ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Oktubre.

“Sabi nila (Yu at Que) sa mga teams na kumukuha kay Jay-R, kung one-on-one trade lang, wala ring mangyayari,” wika ni agent/player Charlie Dy.

Upang mapalakas ang kanilang front line, kinuha ng Elasto Painters sina 6’4 John Ferriols at 6’5 Paolo Bugia na pinakawalan na ng Gin Kings kasabay ng pagbibigay ng release papers kina Mark Telan, Allan Salangsang at Don Dulay.

Isang three-year contract naman ang ibinigay ng Rain or Shine kay Fil-Am rookie Josh Vanlandingham.

Samantala, dinala naman ng Air21 ang kanilang No. 6 overall pick na si Fil-Canadian Sean Michael Anthony sa Powerade kapalit ng first round pick nito.

“Masipag ang bata. May mga konting aayusin pa sa kanyang opensa pero magaling sa depensa at masipag. Very coachable pa,” sabi ni coach Bo Perasol sa 24-anyos na si Anthony, nagtala ng mga averages na 8.2 points, 5.0 rebounds, 1.8 assists at 1.4 steals sa nakaraang Rookie Camp.

Naglaro na si Anthony, produkto ng McGill University sa Canada, para sa Ascof-Lagundi sa nakaraang Tournament of the Philippines.

Ang ina ni Anthony na si Angelyn Christina Dee ay hipag ni Viel Aquino-Dee na kapatid ni Presidente Be­nig­­no “Noynoy” Aquino.

vuukle comment

ALLAN SALANGSANG

ANGELYN CHRISTINA DEE

BARANGAY GINEBRA

BO PERASOL

CHARLIE DY

DERBY ACE

DON DULAY

ELASTO PAINTERS

FIL-CANADIAN SEAN MICHAEL ANTHONY

GIN KINGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with