^

PSN Palaro

Paeng, del Rosario babandera sa labanan para sa World Cup finals

-

MANILA, Philippines - Pangungunahan nina six-time world champion Paeng Nepomuceno at veteran internationalist Liza del Rosario ang labanan para sa Bowling World Cup na­tional finals sa Agosto 30 at 31 sa Coronado Lanes (dating Starmall).

Bukod kay Nepomuceno 81 pang keglers ang la­lahok sa torneo kagaya nina ex-world titlist Biboy Rivera, Paulo Valdez, Benshir Layoso, Raoul Miranda at Chester King.

Makakasabayan naman ni Del Rosario ang 56 pang keglerettes katulad nina Krizziah Tabora at Apple Posadas.

Ang top 34 ladies at men ang aabante sa ikalawang araw ng kompetisyon kung saan dadalhin nila ang ka­nilang mga iskor.

Muling magpapagulong ng 10 games ang mga la­dy bowlers, habang 12 naman sa mga men keglers na dedetermina sa walong lalaki at walong babae na maglalaban-laban sa tiket para sa international finals sa Oktubre 15-24 sa 44-lane Bowling de Provence sa Toulon, France.

Nakarating ang 82 men at 57 ladies sa national finals mula sa pamamayani sa dalawang qualifying periods at center finals na idinaos sa 14 venues.

Ang national men’s at ladies champions ang sasabak sa French competition.

vuukle comment

APPLE POSADAS

BENSHIR LAYOSO

BIBOY RIVERA

BOWLING WORLD CUP

CHESTER KING

CORONADO LANES

DEL ROSARIO

KRIZZIAH TABORA

PAENG NEPOMUCENO

PAULO VALDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with