^

PSN Palaro

4 na dikit sa JRU; MIT bumangon

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Habang patuloy ang ratsada ng mga Heavy Bom­bers, bumangon naman ang Cardinals mula sa isang 16-point deficit para solohin ang ikaapat na posisyon.

Tinakasan ng Mapua Ins­titute of Technology ang Letran College, 63-60, sa second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sinandigan ng Cardi­nals si Erwin Cornejo at Mark Acosta sa fourth quar­ter para talunin ang Knights.

May 6-4 rekord ngayon ang Mapua sa ilalim ng San Beda College (9-0), nag­de­depensang San Sebastian College-recoletos (8-1) at Jose Rizal University (8-2) kasunod ang Arellano University (4-5), Letran (3-7), College of St. Benilde (2-7), Emilio Aguinaldo College (2-8) at University of Perpetual (0-9).

Humugot si Cornejo ng 11 sa kanyang game-high 18 points sa final canto para sa pagbangon ng Cardinals, habang umiskor naman si Acosta ng pito sa kanyang 11 marka.

Si Acosta ang nagsalpak ng isang mahalagang three-point shot at dalawang freethrows sa huling 15.4 segundo.

Sa unang laro, tinalo naman ng Heavy Bombers ang Altas, 66-55, para sa kanilang pang apat na dikit na ratsada.

Tumipa si Matute, kuma­big ng career best 22 points sa kanilang 76-60 panalo sa Letran noong Biyernes, ng 15 points mula sa three-point range para sa Jose Rizal ni Vergel Meneses.

Jose Rizal 66- Matute 15, Kabigting 12, Almario 10, Montemayor 10, Etame 7, Apinan 7, J. Lopez 3, Hayes 2, Duncil 0, Badua 0.

Perpetual Help 55- Vidal 14, Allen 14, Ynion 8, Arboleda 7, Alano 7, Jolangcob 3, Asuncion 2, Kintanar 0, Elopre 0

ARELLANO UNIVERSITY

COLLEGE OF ST. BENILDE

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

ERWIN CORNEJO

HEAVY BOM

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

LETRAN COLLEGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with