^

PSN Palaro

Iron team

FREETHROWS - AC Zaldivar -

Tiyak na magaan na magaan ang pakiramdam at tila lumulutang si Alaska Milk team owner Wilfred Steven Uytengsu sa paglahok niya sa ikalawang Cobra Energy 70.3 Ironman Philippines sa CamSur Watersports Complex.

Ito’y matapos na magkampeon ang Aces sa PBA Fiesta Conference. Tinalo ng Alaska Milk ang San Miguel Beer, 102-88 sa Game Six noong Miyerkules upang wakasan ang best-of-seven Finals, 4-2.

Matapos na makopo ang korona’y sinabi ni Uytengsu na inihahandog nila ang kanilang tagumpay sa ama niyang namayapa ilang buwan na ang nakalilipas.

“When my father died, I asked the players if it is possible to dedicate this season to him. And if it is possible to win a championship as well,” aniya.

Ang kanyang ama ang siyang responsable sa pagpasok ng Alaska Milk sa PBA 25 taon na ang nakalilipas. Bata pa si Wilfred noon at marami ang nakakaalala sa kanya bilang bahagi ng commercial ng Alaska Milk kung saan kasama niya si Cisco Oliver. Kinalaunan ay si Wilfred na ang humawak at nag-asikaso sa ko-ponan. Naging chairman pa nga siya ng PBA.

 Hindi naman siya hiniya ng mga manlalaro ng Alaska Milk at maging ni coach Tim Cone. Nagsikap sila na muling makarating sa Finals ng Fiesta Conference matapos na sila’y hiyain at walisin ng Purefodos Tender Juicy Giants. 4-0 sa Philippine Cup Finals.

 Sa totoo lang, marami pa rin ang hindi makapaniwalang ang Alaska Milk ang siyang nagkampeon sa Philippine Cup.

 Kasi, sa pananaw ng mga eksperto, higit na malakas ang line-up ng Talk N Text at San Miguel Beer na sumailalim sa matitinding build-ups bago nagsimula ang season. At kahit na sa kalagitnaan ng season ay patuloy na nag-improve ang line-ups ng Tropang Texters at Beermen.

Sa kabilang dako, hidi naman ganoon katindi ang naging pagbabago sa kampo ng Alaska Milk. Kinuha nila ang rookie na si Mike Burtscher na kinalaunan ay ibinangko naman. Nasungkit nila ang higanteng si Samigue Eman buhat sa Beermen subalit itinuturing siya ni Cone bilang isang project. Kinuha nila si Cyrus Baguio buhat sa Barangay Ginebra subalit ang ipinamigay na kapalit ay ang two-time Most Valuable Player na si Wilie Miller. Pinapirma nila ang free agent na si Topex Robinson bago nagsimula ang Fiesta Con­ference quarterfinals pero pahapyaw lang ang naging gamit sa kanya.

Nagkaganito man, aba’y inisa-isa ng Aces na itumba ang mga powerhouse teams. Tinalo nila sa quarterfinals ang Barangay Ginebra, sa semifinals ang Talk N Text at sa Finals ang San Miguel Beer. Wala nang titindi pa sa landas na dinaanan ng Alaska Milk para magkampeon!

Aba’y mas matindi pa iyon sa Ironman competition!

Kung nagawa ng Aces iyon sa PBA, aba’y parang sisiw na nga lang kay Uytengsu ang Ironman event.

At sa nangyaring iyon sa Aces, maituturing naman silang Iron team ng PBA!

ALASKA

ALASKA MILK

BARANGAY GINEBRA

BEERMEN

CISCO OLIVER

COBRA ENERGY

FIESTA CONFERENCE

MILK

SAN MIGUEL BEER

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with