MANILA, Philippines - Napagkasunduan na ng Baseball Federation of Asia at ng University of the Philippines- Los Baños ang pagpapagawa ng bagong baseball field na siyang magiging bagong pasilidad para sa pagsasanay ng mga Pinoy batters.
Ang kasunduan ay pinirmahan sa Taiwan nitong Miyerkules sa pagitan nina BFA Vice President Tom Peng at UPLB Chancellor Rey Velasco. Naroon rin sa nasabing pirmahan ang dating president at ngayo’y PABA Chairman Hector Navasero at Chinese Taipei Baseball Association secretary general Richard Lin.
Ang naturang baseball field ay itatayo sa 15 hektaryang sa loob ng campus sa paanan ng Mt. Makiling na may sukat na 185 na hektarya.
Ang dating presidente ng International Baseball Federation na si Peng ay nagbigay ng $100, 000 para sa nasabing proyekto na magkakaroon ng ground breaking ceremony sa Oktubre 10 na lalahukan nina Peng, Velasco, Navasero at ng ilang lokal na opisyal ng baseball sa bansa.
Iimbitahan din Navasero si POC President Jose Cojuangco at PSC chairman Richie Garcia at ang apat pang commissioner upang sumaksi rin sa naturang seremonyas.