Garcia dadalo sa opening ng Pichay Cup chessfest ngayon

MANILA, Philippines - Magsisilbing panauhing pandangal sa pagbubukas ng ikaanim na edisyon ng Prospero Pichay Cup International Chess Championships si Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia ngayong araw sa ganap na alas-2 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Si Garcia ang magsasagawa ng cere­monial moves kasama si National Chess Federation of the Philippines president Prospero “Butch” Pichay.

Ang Pichay Cup ay isa lamang sa dalawang pangunahing chess tournament sa bansa ngayong buwan, matapos ito ay ang kauna-unahang FIDE President Campomanes Memorial Chess Tournament na gaganapin sa Agosto 28 hanggang sa Setyembre 23.

Pinagsamang US$130, 000 ang papremyo sa dalawang chess fest. US$30, 000 ang nakataya sa Pichay Cup habang US$100, 000 naman ang nakataya sa Campomanes Cup.

Samantala, dahil na rin sa mga naunang commitments, hindi na lalahok sa Pichay Cup sina Pinoy GM’s Wesley So at Eugene Torre.

Show comments