Wesley So natalo matapos ang 3 draws

WIJK Aan Zee, Netherlands -- Matapos ang tatlong sunod na draws, natikman ni Filipino GM Wesley So ang kanyang unang kabiguan nang yumukod kay GM Ljujbomir Ljubojevic ng Serbia sa 2010 NH Rising Stars vs Experience chess team championship dito sa Hotel Krasnaposky.

Mula sa pakikipagsabayan sa kaagahan ng kanilang fourth-round match, sumuko sa huli ang 16-anyos na si So kay Ljubojevic matapos ang 32 moves.

Nauna nang kumuha ng draw si So kina GMs Peter Nielsen ng Denmark,   GM Peter Svidler ng Russia at GM Boris Gelfand ng Israel.

Nabigo rin sa kanilang mga laban sina GM Hikaru Nakamura ng United States kay Svidler at GM Dawid Howell kay Nielsen.

Nagningning naman si GM Anish Giri para sa Rising Stars nang lusutan si GM Loek van Wely sa isang all-Dutch showdown.

Show comments