^

PSN Palaro

RP Youth athletes sasabak na sa aksyon sa YOG

-

MANILA, Philippines - Bubuksan ng isang taek­wondo jin, isang netter at isang swimmer ang kampanya ng bansa para sa 2010 Youth Olympic Ga­mes sa Singapore.

Bago ang mga kom­petis­yon, humigit-kumulang sa 5,000 junior athletes mula sa 205 National Olympic Committees (NOC) ang kabilang sa mga tutunghay sa pagpapa-ilaw sa unang Youth Olympic torch sa Marina Bay.

Ang mga unang atletang sasabak sa aksyon ay sina Kirk Barbosa sa taekwondo, Jeson Patrombon sa lawn tennis at Jessie Lacuna sa swimming event.

Sina Barbosa, Patrombon at Lacuna ay bahagi ng nine-man RP delegation.

Lalahok ang 16-anyos na si Lacuna sa 200-meter freestyle event sa Singa­pore Sports School, habang hahataw naman si Patrombon sa Kellang Tennis Center at sisipa si Barbosa sa International Convention Center laban sa pambato ng Israel.

“He has a good chance, but it won’t be an easy fight,” wika ni taekwondo coach Kitoy Cruz kay Barbosa, kung mananalo ay maaaring lumaban para sa silver o gold medal sa kanyang event.

Si world champion weightlifter Patricia Llena ang magwawagayway ng national flag.

“It’s the calm before the storm before the 5,000 athletes and officials and almost half a million spectators will be part of this historic event, the opportunity of a lifetime,” sabi ni Chef De Mission Mark Joseph.

Maliban kina Llena, Barbosa, Patrombon at La­cuna, ang iba pang miyembro ng delegasyon ay sina Bobby Ray Parks, Jr., Jeron Teng, Cris Michael Tolomia at Michael Pate sa 3-on-3 basketball event at si swimmer Jasmine Al-khaldi.

Sasabak si Llena sa 63-kilogram class ng weightlif­ting sa Suntec Convention Center.

BARBOSA

BOBBY RAY PARKS

CHEF DE MISSION MARK JOSEPH

CRIS MICHAEL TOLOMIA

INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

JASMINE AL

JERON TENG

JESON PATROMBON

JESSIE LACUNA

PATROMBON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with