^

PSN Palaro

Hindi pa kumpleto sa Tamaraws

FREETHROWS - AC Zaldivar -

MISSION half-accomplished!

Puwede ba iyon? Posible ba iyon?

Well, sa ngayon, iyan marahil ang sinasabi ng mga supporters ng Far Eastern University matapos na mawalis ng Tamaraws ang first round ng eliminations ng 73rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament noong Sabado

Dinaig ng Tamaraws ang Growling Tigers ng University of Santo Tomas, 65-57 para sa kanilang ikapitong sunod na tagumpay sa kasalukuyang season. Nakabangon ang Tamaraws sa masamng simula sa larong iyon kung saan nilamangan sila ng Growling Tigers ng 11 puntos, 25-14.

Bunga nito’y napantayan nila ang nagawa ng 2005 FEU squad na nagwalis din ng first round schedule nila. Kabilang sa koponang iyon ang ngayo’y mga professional players na sina Arwind Santos at Dennis Miranda na naglalaro sa PBA Fiesta Cup finalist San Miguel Beer.

Sa totoo lang, hindi naman nakakagulat ang first round sweep na ito. Kasi, bago pa man nagsimula ang torneo ay maraming nagsabi na ang Tamaraws ang siyang ‘team-to-beat.’

Halos intact kasi ang FEU at ang tanging nawala sa kanilang roster (na puwede sana nilang ma-miss pero hindi nila nami-miss) ay ang point guard na si Mark Baroca na ngayon ay naglalaro sa Smart Gilas team. Aba’y noong nakaraang taon pa naman nila inilaglag si Baroca bago nagsimula ang Final Four kung saan natalo sila sa University of the East Warriors kung kaya’t hindi sila nakarating sa best-of-three championship round.

Sa itinatakbo ng pangyayari ngayon (knock on wood), aba’y parang didiretso na ang Tamaraws sa Finals at ang hinihintay na lang ng karamihan ay kung sino ang makakalaban nila para sa kampeonato.

Subalit kung tatanungin si coach Glenn Capacio, tiyak a sasabihin niyang hindi pa tapos ang kanyang misyon. At hindi puwedeng sabihin na dahil winalis nila ang first round ay “mission half-accomplished.”

Walang ganoon e. Hindi puwedeng kalahati lang ang natapos. Palaging kailangang buo. It’s either mission accomplished o mission failed.

“I’m happy dahil napantayan namin ang record ng 2005 team. Pero wala pa naman kaming napatunayan, e. Nasa kalagitnaan pa lang naman ng elims. Mag-aadjust pa ang ibang teams sa second round. Hindi kami puwedeng magkumpiyansa,” ani Capacio.

Na siyang totoo.

Kasi nga, hindi naman naging ‘picnic’ para sa FEU ang first round. Hindi naman nailampaso nang ganun na lang ng Tamaraws ang kanilang mga nakalaban. Dumaan din sila sa butas ng karayon sa ilang games.

Hindi nga ba’t nakalamang ng 11 puntos ang UST sa kanila bago nila nabuweltahan ang Growling Tigers? Sa kanilang unang game kontra two-time defending champion Ateneo Blue Eagles ay tatlong puntos lang ang winning margin, 72-69. At laban sa host Dela Salle Green Archers ay dumaan sila sa overtime bago nagwagi, 84-80.

Sa ngayon, ang realistic target muna ng Tamaraws ay ang 14-game sweep ng elims para makadiretso sa Finals. Medyo mahirap gawin, pero posible.

* * * * * *

HAPPY birthday kay dating Agriculture Secretary at Purefoods manager Ding Panganiban na nagdiriwang ngayon, August 9. Gayundin kina Mark Zambrano (Aug. 11) at Mila Martin-Malapitan (Aug. 12).

                           

AGRICULTURE SECRETARY

ARWIND SANTOS

ATENEO BLUE EAGLES

DELA SALLE GREEN ARCHERS

DENNIS MIRANDA

GROWLING TIGERS

TAMARAWS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with