^

PSN Palaro

Sekreto ni Pacman, buko na

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña -

Balik Dallas Cowboys Stadium pala ang Pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Sa naturang lugar kasi ihahayag ni Top Rank promotions president Bob Arum ang laban nina Manny Pacquiao at Antonio Margarito.

Ayon kay Arum, sa August 31 nila gagawin ang announcement sa Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Dallas, Texas.

Naka-schedule sana noon ang Pacquiao-Margarito fight sa Las Vegas, Nevada, ngunit dahil sa walang li­sensiya ang Mexican-American fight sa Amerika, inilipat ang fight venue.

Pero sabi ng Top Rank big boss, hindi pa naman pinal ang venue ng laban. Interesado rin kasi ang Royal family ng Abu Dhabi na doon gawin ang laban sa November 14. Fan daw kasi ni Pacquiao ang Royal family

Matatandaang noong nakalipas na buwan ng Mar­so sa laban kay Joshua Clottey sa Dallas, idinaos ang title defense ni Pacquiao.

Pero wala pa mang pormalidad sa venue ng laban, eto at nagmamalaki na ang kampo ni Margarito.

Naniniwala ang kampo ni former World Boxing As­sociation (WBA) welterweight champion na si Margarito na alam na nila ang pormula kung pano pataubin si Pacquiao. Naku lang ha. Kailangang patunayan yan ni Margarito, baka mapasama siya sa mga hanay ng tinalo ni Pacquiao

Sabi pa ng mga ito hawak nila ang sekreto kung pa­ano talunin si seven-division champion Manny Pacquiao, sakaling matuloy ang laban ng dalawa.

Ayon mismo kay Justin Fortune na dating conditio­ning coach ni Pacquiao, nakahanda umano siyang tulungan si Margarito sa inaasahan nitong laban.

Kung matutuloy ang Pacquiao-Margarito bout, paglalabanan ng dalawa ang bakanteng WBC light middleweight belt. Ito na rin ang pang-walong weight division na lalaban ang Filipino ring icon.

* * *

Prayoridad ng bagong Philippine Spoorts Comission head na si Ritchie Garcia na aayusin ang namagitang gusot sa PSC at Philippine Olympic Committee (POC).   Malapit na nga naman ang 16th Asian games na gaganapin sa Guangzhuo, China sa buwan ng Nob­­yembre, mas kinakailangan ang pagkakakaisa kaysa ang awayan.

Kung maaalala, pinalitan ni Garcia si Harry Angping na may alitan naman kay POC Chairman Peping Co­juangco.

Ang hangaring ito ni Garcia ay may katiyakan. Si Cojuangco na tiyuhin ni Pangulong Noynoy Aquino ang nagrekomenda kay Garcia sa puwesto.

"We should not allow to happen and it should never happened again. They should work together for the good of the atletes. Because whatever it is at the end of the day it is our athletes who will suffer for this kind of relationship," ani Garcia.

Kasama ni Garcia sa pagsasaayos ng pamumuno sa PSC ay ang bagong commissioners na sina Atty. Jose Luis Reyes "Jolly" Gomez ng Philippine Little Lea­gue, retired Col. Salvador "Buddy" Andrada ng tennis at si Joaquin "Chito" Loyzaga ng baseball at dating PBA star. Ang tanging holdover lamang na commissioner mula sa nakaraang administrasyon ay ang dating swimming champion na si Akiko Thompson.

Paano man nila ayusin, hangad din natin na ma­ganda ang ililinyang prgrama ng PSC para sa kabutihan ng atleta.

ABU DHABI

AKIKO THOMPSON

GARCIA

MARGARITO

PACQUIAO

SHY

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with